1
Mateo 7:7
Magandang Balita Biblia
MBBTAG12
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.
비교
Mateo 7:7 살펴보기
2
Mateo 7:8
Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.
Mateo 7:8 살펴보기
3
Mateo 7:24
“Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.
Mateo 7:24 살펴보기
4
Mateo 7:12
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
Mateo 7:12 살펴보기
5
Mateo 7:14
Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”
Mateo 7:14 살펴보기
6
Mateo 7:13
“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.
Mateo 7:13 살펴보기
7
Mateo 7:11
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!
Mateo 7:11 살펴보기
8
Mateo 7:1-2
“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.
Mateo 7:1-2 살펴보기
9
Mateo 7:26
Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan.
Mateo 7:26 살펴보기
10
Mateo 7:3-4
Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo?
Mateo 7:3-4 살펴보기
11
Mateo 7:15-16
“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman?
Mateo 7:15-16 살펴보기
12
Mateo 7:17
Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno.
Mateo 7:17 살펴보기
13
Mateo 7:18
Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno.
Mateo 7:18 살펴보기
14
Mateo 7:19
Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.
Mateo 7:19 살펴보기
홈
성경
묵상
동영상