Genesis 10
10
Ang mga Angkan ng mga Anak ni Noe
(1 Cro. 1:5-23)
1Ito ang kasaysayan ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet pagkatapos ng baha.
2Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 3Sina Askenaz, Rifat at Togarma ang mga anak na lalaki ni Gomer. 4Ang kay Javan naman ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.#10:4 Rodanim: Sa ibang manuskrito'y Dodanim. 5Ito ang mga anak at apo ni Jafet. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa baybay-dagat at mga pulo. Bawat isa'y nagkaroon ng sariling lupain at wika.
6Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Egipto, Libya at Canaan. 7Sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca ang mga anak na lalaki ni Cus. Ang kay Raama naman ay sina Saba at Dedan. 8Si Nimrod, isa pang anak na lalaki ni Cus, ang kauna-unahan sa daigdig na naging dakila at makapangyarihan. 9Siya rin ang pinakamahusay na mangangaso dahil sa tulong ni Yahweh, kaya may kasabihang: “Maging mahusay ka sanang mangangaso tulad ni Nimrod, sa tulong ni Yahweh.” 10Kabilang sa kauna-unahang kaharian na sakop niya ang Babilonia, Erec at Acad, pawang nasa lupain ng Sinar. 11Mula rito'y pumunta siya sa Asiria at itinatag ang mga lunsod ng Nineve, Rohobot-ir, Cale 12at ang Resen sa pagitan ng Nineve at Cale, ang pangunahing lunsod.
13Si Egipto ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab at Naftuh, 14gayon din ng mga taga-Patrus, Casluh at Caftor na pinagmulan ng mga Filisteo.
15Ang panganay ni Canaan ay si Sidon na sinundan ni Het. 16Kay Canaan din nagmula ang mga Jebuseo, Amoreo, Gergeseo, 17Hivita, Araceo, Sineo, 18Arvadeo, Zemareo at Hamateo. Simula noon, kung saan-saan nakarating ang mga Cananeo. 19Mula sa Sidon, ang kanilang hangganan sa gawing timog ay umabot sa Gerar na malapit sa Gaza. Sa gawing silangan naman, umabot sila sa Sodoma, Gomorra, Adma at Zeboim na malapit sa Lasa. 20Ito ang lahi ni Ham na nanirahan sa iba't ibang lupain at naging iba't ibang bansa na may kani-kanilang wika.
21Si Shem, ang nakatatandang kapatid ni Jafet, ang pinagmulan naman ng lahi ni Heber.#10:21 ni Heber: o kaya'y ng mga Hebreo. 22Ang kanyang mga anak ay sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram. 23Ang mga anak naman ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas. 24Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Heber. 25Dalawa ang anak ni Heber: ang isa'y tinawag na Peleg,#10:25 PELEG: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Peleg” at “nagkahiwa-hiwalay” ay magkasintunog. sapagkat noong panahon niya ay nagkahiwa-hiwalay ang mga tao sa daigdig; ang kapatid niya ay si Joctan. 26Si Joctan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jerah, 27Hadoram, Uzal, Dikla, 28Obal, Abimael, Sheba, 29Ofir, Havila at Jobab. Sila ang mga anak na lalaki ni Joctan. 30Mula sa Mesha hanggang Sefar sa kaburulan sa silangan ang lawak ng kanilang lupain. 31Ito ang lahi ni Shem ayon sa kani-kanilang angkan, wika at bansa.
32Ito ang mga bansang nagmula sa mga anak ni Noe mula sa kanilang mga angkan. Sa kanila nagmula ang lahat ng bansa na lumaganap sa buong daigdig pagkatapos ng baha.
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society