Genesis 5

5
Ang mga Lahi ni Adan
(1 Cro. 1:1-4)
1Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan.
Nang likhain ng Dios ang tao, ginawa niya itong kawangis niya. 2Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.”
3Nang 130 taong gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set. 4Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 5Namatay siya sa edad na 930.
6Nang 105 taong gulang na si Set, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enosh. 7Matapos isilang si Enosh, nabuhay pa si Set ng 807 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 8Namatay siya sa edad na 912.
9Nang 90 taong gulang na si Enosh, isinilang ang anak niyang lalaki na si Kenan. 10Matapos isilang si Kenan, nabuhay pa si Enosh ng 815 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 11Namatay siya sa edad na 905.
12Nang 70 taong gulang na si Kenan, isinilang ang anak niyang lalaki na si Mahalalel. 13Matapos isilang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan ng 840 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 14Namatay siya sa edad na 910.
15Nang 65 taong gulang na si Mahalalel, isinilang ang anak niyang lalaki na si Jared. 16Matapos isilang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel ng 830 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 17Namatay siya sa edad na 895.
18Nang 162 taong gulang na si Jared, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enoc. 19Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 20Namatay siya sa edad na 962.
21Nang 65 taong gulang na si Enoc, isinilang ang anak niyang lalaki na si Metusela. 22-24Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng 300 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang panahong iyon, malapit ang relasyon ni Enoc sa Dios. Nasa 365 taong gulang siya nang siyaʼy nawala, dahil kinuha siya ng Dios.#5:22-24 dahil kinuha siya ng Dios: kahit hindi pa siya namamatay.
25Nang 187 taong gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec. 26Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 27Namatay siya sa edad na 969.
28Nang 182 taong gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki. 29Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe.”#5:29 Noe: Maaaring ang ibig sabihin, makakatulong; o, nagpapalakas. 30Matapos isilang si Noe, nabuhay pa si Lamec ng 595 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 31Namatay siya sa edad na 777.
32Nang 500 taong gulang na si Noe, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Shem, Ham, at Jafet.

選択箇所:

Genesis 5: ASND

ハイライト

シェア

コピー

None

すべてのデバイスで、ハイライト箇所を保存したいですか? サインアップまたはサインインしてください。