1
Mga Awit 143:10
Magandang Balita Bible (Revised)
Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.
Bandingkan
Telusuri Mga Awit 143:10
2
Mga Awit 143:8
Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid.
Telusuri Mga Awit 143:8
3
Mga Awit 143:9
Iligtas mo ako sa mga kalaban, ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.
Telusuri Mga Awit 143:9
4
Mga Awit 143:11
Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag.
Telusuri Mga Awit 143:11
5
Mga Awit 143:1
Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin.
Telusuri Mga Awit 143:1
6
Mga Awit 143:7
Nawala nang lahat ang aking pag-asa, kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na! Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan ako ay ituring na malamig na bangkay, at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.
Telusuri Mga Awit 143:7
7
Mga Awit 143:5
Araw na lumipas, aking nagunita, at naalala ang iyong ginawa, sa iyong kabutihan, ako ay namangha!
Telusuri Mga Awit 143:5
Beranda
Alkitab
Rencana
Video