Logo YouVersion
Ikona vyhledávání

LUCAS 21

21
1At siya'y tumunghay, at #Mar. 12:41-44. nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.
2At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng #Mar. 12:42. dalawang lepta.
3At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.
4Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.
5At samantalang sinasalita #Mat. 24:1-51; Mar. 13:1-37. ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,
6Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, #Luc. 19:44. na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.
7At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?
8At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: #Luc. 17:23. sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.
9At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi #Luc. 17:7. pa malapit ang wakas.
10Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;
11At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
12Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin #Mat. 10:17-22. kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at #Gawa 4:3; 5:18; 12:4; 16:24; 21:27. sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.
13Ito'y magiging patotoo #Fil. 1:28. sa inyo.
14Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, #Luc. 12:11. na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
15Sapagka't bibigyan ko kayo ng #Ex. 4:12. isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.
16Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.
17At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.
18At hindi mawawala kahit #Mat. 10:30. isang buhok ng inyong ulo.
19Sa inyong #Rom. 5:3; Sant. 1:3. pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.
20Datapuwa't pagka nangakita ninyong #Luc. 19:43. nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang #Dan. 9:27. pagkawasak ay malapit na.
21Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; #Luc. 17:31. at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, #Dan. 9:24-27; 12:1. upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23Sa aba ng mga nagdadalang-tao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.
24At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at #Dan. 8:13. yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, #Dan. 12:7; Rom. 11:25. hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
25At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
26Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
27At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
28Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.
29At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy:
30Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw.
31Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.
32Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
33Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
34Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at #1 Tes. 5:3. dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
35Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.
36 # Mar. 12:33. Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, #Luc. 18:1. na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang #Apoc. 6:17. mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.
37At araw-araw ay #Mat. 26:55. nagtuturo siya sa templo; at lumalabas #Luc. 22:39; Juan 18:2. gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo.
38At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya.

Právě zvoleno:

LUCAS 21: ABTAG

Zvýraznění

Sdílet

Kopírovat

None

Chceš mít své zvýrazněné verše uložené na všech zařízeních? Zaregistruj se nebo se přihlas