LUCAS 23
23
Si Jesus sa Harapan ni Pilato
(Mt. 27:1, 2, 11-14; Mc. 15:1-5; Jn. 18:28-38)
1Tumindig ang buong karamihan at dinala si Jesus#23:1 Sa Griyego ay siya. sa harap ni Pilato.
2Nagsimula silang ipagsakdal siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang aming bansa, at pinagbabawalan kaming magbuwis kay Cesar, at sinasabi na siya mismo ang Cristo, ang hari.”
3At tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot siya at sinabi, “Ikaw ang nagsasabi.”
4Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
5Subalit sila'y lalong nagpipilit na sinasabi, “Ginugulo niya ang sambayanan at nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.”
Si Jesus sa Harapan ni Herodes
6Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea.
7At nang kanyang malaman na siya'y sakop ni Herodes, kanyang ipinadala siya kay Herodes, na nang panahong iyon ay nasa Jerusalem din.
8Nang makita ni Herodes si Jesus, siya ay tuwang-tuwa, sapagkat matagal na niyang nais na makita siya sapagkat nakabalita siya ng tungkol sa kanya; at siya'y umaasang makakita ng ilang himalang ginawa niya.
9Kaya't kanyang tinanong siya ng matagal subalit si Jesus ay hindi sumagot ng anuman.
10Ang mga punong pari at ang mga eskriba ay nanatili, at marahas siyang pinagbibintangan.
11At hinamak siya at nilibak ni Herodes at ng mga kawal na kasama niya. Sinuotan siya ng maringal na damit at ibinalik kay Pilato.
12Nang araw ding iyon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato sa isa't isa; sapagkat sila'y dating magkagalit.
Si Jesus ay Hinatulang Mamatay
(Mt. 27:15-26; Mc. 15:6-15; Jn. 18:39–19:16)
13Tinipon ni Pilato ang mga punong pari, ang mga pinuno at ang mga taong-bayan,
14at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nag-uudyok na maghimagsik ang bayan. At narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, hindi ko nakitang nagkasala ang taong ito ng alinman sa mga bagay na ibinibintang ninyo laban sa kanya.
15Maging si Herodes man, sapagkat kanyang ibinalik siya sa atin at tingnan ninyo, wala siyang ginawang anumang nararapat sa kamatayan.
16Kaya't siya'y aking ipapahagupit at palalayain.”#23:16 Sa ibang mga kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 17 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan.
18Subalit silang lahat ay sama-samang sumigaw, “Alisin ang taong ito, palayain si Barabas para sa amin.”
19Ito'y isang taong nabilanggo dahil sa isang paghihimagsik na nangyari sa lunsod, at dahil sa pagpatay ng tao.
20Si Pilato'y muling nagsalita sa kanila sa kagustuhang palayain si Jesus.
21Subalit sila'y nagsigawan, “Ipako sa krus, ipako siya sa krus.”
22Sa ikatlong pagkakataon ay kanyang sinabi sa kanila, “Bakit, anong kasamaan ang ginawa ng taong ito? Wala akong nakitang anumang batayan para sa parusang kamatayan. Kaya't siya'y aking ipapahagupit at saka palalayain.”
23Subalit pinipilit nilang hingin na ipinagsisigawan na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
24At ipinasiya ni Pilato na ipagkaloob ang kanilang hinihingi.
25Pinalaya niya ang taong kanilang hinihiling, ang taong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, subalit kanyang ibinigay si Jesus gaya ng nais nila.
Ipinako si Jesus
(Mt. 27:32-44; Mc. 15:21-32; Jn. 19:17-27)
26Habang kanilang dinadala siyang papalayo, hinuli nila si Simon na taga-Cirene na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kanya ang krus upang dalhin kasunod ni Jesus.
27Siya'y sinundan ng napakaraming tao, at ng mga babaing nagdadalamhati at nag-iiyakan para sa kanya.
28Subalit humarap sa kanila si Jesus at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan, kundi iyakan ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga anak.
29Sapagkat narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, ‘Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyan na kailanma'y hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailanman ay hindi nagpasuso!’
30At#Hos. 10:8; Apoc. 6:16 sila'y magpapasimulang magsalita sa mga bundok, ‘Bumagsak kayo sa amin,’ at sa mga burol, ‘Takpan ninyo kami.’
31Sapagkat kung ginagawa nila ang mga bagay na ito kapag ang punungkahoy ay sariwa, anong mangyayari kapag ito ay tuyo?
32Dinala rin upang pataying kasama niya ang dalawang kriminal.
33Nang dumating sila sa lugar na tinatawag na Bungo, kanilang ipinako siya sa krus, kasama ng mga kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kanyang kaliwa.
34[Sinabi#Awit 22:18 ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] At sila ay nagpalabunutan upang paghatian ang kanyang damit.
35Nakatayong#Awit 22:7 nanonood ang taong-bayan. Subalit tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba, iligtas niya ang kanyang sarili kung siya ang Cristo ng Diyos, ang Pinili.”
36Nililibak#Awit 69:21 din siya ng mga kawal na lumapit sa kanya, at inalok siya ng suka,
37at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!”
38Mayroon ding nakasulat na pamagat sa itaas niya, “Ito'y ang Hari ng mga Judio.”
39Patuloy siyang pinagtawanan#23:39 o nilalapastangan. ng isa sa mga kriminal na ipinako, na nagsasabi, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami!”
40Subalit sinaway siya ng isa, at sa kanya'y sinabi, “Hindi ka pa ba natatakot sa Diyos, yamang ikaw ay nasa gayunding hatol ng kaparusahan?
41Tayo ay nahatulan ng matuwid, sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa. Subalit ang taong ito'y hindi gumawa ng anumang masama.”
42Sinabi niya, “Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.”
43At sumagot siya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”
Ang Kamatayan ni Jesus
(Mt. 27:45-56; Mc. 15:33-41; Jn. 19:28-30)
44Nang magtatanghaling-tapat na, nagdilim sa ibabaw ng buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon,
45habang#Exo. 26:31-33 madilim ang araw; at napunit sa gitna ang tabing ng templo.
46Si#Awit 31:5 Jesus ay sumigaw ng malakas at nagsabi, “Ama, sa mga kamay mo ay inihahabilin ko ang aking espiritu.” At pagkasabi nito ay nalagot ang kanyang hininga.
47Nang makita ng senturion ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Tunay na ito'y isang taong matuwid.”
48At ang lahat ng mga taong nagkatipon upang makita ang panoorin, nang makita nila ang mga bagay na nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49At#Lu. 8:2, 3 ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kanya'y sumunod buhat sa Galilea ay nakatayo sa malayo at nakita ang mga bagay na ito.
Ang Paglilibing kay Jesus
(Mt. 27:57-61; Mc. 15:42-47; Jn. 19:38-42)
50Mayroong isang mabuti at matuwid na lalaking ang pangalan ay Jose, na bagaman kaanib ng sanggunian,
51ay hindi sang-ayon sa kanilang panukala at gawa. Siya'y mula sa Arimatea, isang bayan ng mga Judio, at siya'y naghihintay sa kaharian ng Diyos.
52Ang taong ito'y lumapit kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
53At ito'y ibinaba niya, binalot ng isang telang lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang naililibing.
54Noo'y araw ng Paghahanda, at malapit na ang Sabbath.
55Ang mga babae na sumama sa kanya mula sa Galilea ay sumunod at tiningnan ang libingan at kung paano inilagay ang kanyang bangkay.
56Sila'y#Exo. 20:10; Deut. 5:14 umuwi at naghanda ng mga pabango at mga panghaplos. At nang araw ng Sabbath sila'y nagpahinga ayon sa kautusan.
Právě zvoleno:
LUCAS 23: ABTAG01
Zvýraznění
Sdílet
Kopírovat
Chceš mít své zvýrazněné verše uložené na všech zařízeních? Zaregistruj se nebo se přihlas
©Philippine Bible Society, 2001