GENESIS 9
9
Ang Tipan ng Diyos kay Noe
1Binasbasan#Gen. 1:28 ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak at sa kanila'y sinabi, “Kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami, at inyong punuin ang lupa.
2Ang takot at sindak sa inyo ay darating sa bawat hayop sa lupa, sa bawat ibon sa himpapawid, sa lahat ng gumagapang sa lupa, at sa lahat ng isda sa dagat. Sila ay ibinibigay sa inyong kamay.
3Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; at kung paanong ibinigay ko sa inyo ang mga luntiang halaman, ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng mga bagay.
4Ngunit#Lev. 7:26, 27; 17:10-14; 19:26; Deut. 12:16, 23; 15:23 huwag ninyong kakainin ang laman na kasama ang buhay nito, ito ay ang kanyang dugo.
5At tiyak na aking hihingan ng sulit ang umutang sa inyong dugo. Aking hihingin ito sa bawat hayop at sa mga tao, bawat isa para sa dugo ng iba. Hihingan ko ng sulit ang umutang sa buhay ng tao.
6Sinumang#Exo. 20:13; Gen. 1:26 magpadanak ng dugo ng tao, ang dugo ng taong iyon ay papadanakin ng ibang tao; sapagkat nilalang ang tao sa larawan ng Diyos.
7At#Gen. 1:28 kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami; magbunga kayo nang sagana sa lupa at magpakarami kayo roon.”
8At nagsalita ang Diyos kay Noe at sa mga anak na kasama niya, na sinasabi,
9“Narito, aking itinatatag ang tipan sa inyo, at sa inyong mga anak na susunod sa inyo;
10at sa bawat nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang maamong hayop at bawat mailap na hayop sa lupa na kasama ninyo, sa lahat ng lumabas sa daong, sa bawat hayop sa lupa.
11Aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo; hindi ko na lilipulin ang lahat ng mga tao sa pamamagitan ng tubig ng baha at hindi na magkakaroon pa ng bahang magwawasak ng lupa.”
12Sinabi ng Diyos, “Ito ang tanda ng tipang gagawin ko sa inyo, at sa bawat nilalang na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon.
13Inilagay ko ang aking bahaghari sa ulap, at ito ay magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
14At kapag tinipon ko ang mga ulap sa ibabaw ng lupa, ang bahaghari ay makikita sa ulap.
15Aalalahanin ko ang aking tipan sa inyo, at sa bawat nilalang na may buhay; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng nabubuhay.#9:15 Sa Hebreo ay laman.
16Kapag ang bahaghari ay nasa ulap, ito ay aking makikita at maaalala ang walang hanggang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bawat nilalang na may buhay na nasa ibabaw ng lupa.”
17Sinabi ng Diyos kay Noe, “Ito ang tanda ng tipan na aking itinatag sa lahat ng nabubuhay na nasa ibabaw ng lupa.”
Si Noe at ang Kanyang mga Anak
18Ang mga anak ni Noe na lumabas sa daong ay sina Sem, Ham, at Jafet. Si Ham ay siyang ama ni Canaan.
19Ang mga ito ang tatlong mga anak ni Noe at sa kanila nagmula ang lahat ng tao sa lupa.
20Si Noe ay isang magbubukid at siyang pinakaunang nagtanim ng ubasan.
21Uminom siya ng alak at nalasing at siya'y nakahigang hubad sa loob ng kanyang tolda.
22At nakita ni Ham na ama ni Canaan ang kahubaran ng kanyang ama, at isinaysay sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas.
23Kumuha sina Sem at Jafet ng isang balabal, inilagay sa balikat nilang dalawa, lumakad ng paatras, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama. At ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.
24Nagising si Noe sa kanyang pagkalasing, at nalaman ang ginawa sa kanya ng kanyang bunsong anak.
Ang Sumpa Kay Canaan
25At kanyang sinabi,
“Sumpain si Canaan!
Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kanyang mga kapatid.”
26At sinabi niya,
“Purihin ang Panginoon, ang Diyos ni Sem!
At si Canaan ay magiging alipin niya.
27Palawakin ng Diyos si Jafet,
at siya'y titira sa mga tolda ni Sem;
at si Canaan ay magiging alipin niya.”
28Nabuhay si Noe ng tatlong daan at limampung taon pagkaraan ng baha.
29Ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyamnaraan at limampung taon. At siya ay namatay.
Právě zvoleno:
GENESIS 9: ABTAG01
Zvýraznění
Sdílet
Kopírovat
Chceš mít své zvýrazněné verše uložené na všech zařízeních? Zaregistruj se nebo se přihlas
©Philippine Bible Society, 2001