Mga Awit 143:8-12
Mga Awit 143:8-12 RTPV05
Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid. Iligtas mo ako sa mga kalaban, ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag. Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin; ang nagpapahirap sa aki'y wasakin, yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.