Ezekiel 19
19
Pamimighati Para sa mga Pinuno ng Israel
1Ihayag mo ang iyong panaghoy para sa mga pinuno ng Israel. 2Sabihin mo:
Ang iyong ina ay parang isang leon.
Pinalaki niya ang kanyang mga anak,
nakatira siyang kasama ng karamihan sa piling ng mababangis na leon.
3Isa sa kanyang mga anak ay tinuruan niya;
kaya ito ay natutong manila at manlapa ng tao.
4Nang mabalitaan ito ng mga bansa sa paligid,
hinuli siya sa patibong, ikinulong at dinala sa Egipto.
5Naghintay siya nang naghintay hanggang sa mawalan ng pag-asa;
kaya, inaruga ang isa pang anak niya,
na nang lumaki'y naging isang mabangis na leon.
6Sumama siya sa ibang leong tulad niya
at siya'y natutong manlapa ng tao.
7Iginuho niya ang mga tanggulan ng kalaban,
at kanyang winasak ang kanilang mga bayan.
Ang buong lupain, lahat ng mamamayan,
ay nangingilabot sa kanyang atungal.
8At nagkaisa laban sa kanya ang mga bansa sa palibot.
Iniumang nila ang kanilang mga lambat
at siya ay nahulog sa kanilang patibong.
9Siya ay ikinulong nila't dinala sa hari ng Babilonia;
pinabantayan siyang mabuti.
Mula noon, ang ungal niya'y di na narinig
sa mga bundok ng Israel.
10Ang iyong ina ay tulad ng baging ng ubas,
itinanim sa tabi ng batis.
Sapagkat sagana sa tubig, kaya ito ay lumago at namunga nang marami.
11Matitigas ang kanyang mga sanga,
bagay na setro ng hari.
Ito'y tumaas, umabot sa mga ulap.
Namumukod nga sa taas, namamalas ng lahat.
12Ngunit dahil sa matinding galit, ito ay ibinuwal,
bunga nito ay nalanta sa ihip ng hangin.
Ang puno ay natuyo, sa huli ay sinunog.
13At ito nga'y itinanim sa disyerto,
sa lupaing tuyung-tuyo, kaunti ma'y walang katas.
14Ang punong iyon ay nasunog,
bunga't sanga ay natupok,
kaya't wala nang makuhang gagawing setro.
Ito ay isang panaghoy at paulit-ulit na sasambitin.
Currently Selected:
Ezekiel 19: RTPV05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society