2 Mga Taga-Corinto 4:7-9
2 Mga Taga-Corinto 4:7-9 RTPV05
Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak na sisidlan lamang tulad ng mga palayok, upang ipakilalang ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinababayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.