YouVersion Logo
Search Icon

ZEFANIAS 3

3
Sa aba ng Jerusalem at ng mga bansa.
1Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng #Jer. 25:38. mapagpighating kamay!
2Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios.
3Ang mga prinsipe niya #Ezek. 22:27. sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga #Hab. 1:8. lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.
4Ang kaniyang mga propeta ay mga #Jer. 23:32. walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, #Ezek. 22:26. sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.
5Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan.
6Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.
7Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; #Jer. 7:3, 7; 25:5. sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y #2 Cron. 36:15. bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa.
8Kaya't #Hab. 2:3. hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay #Joel 3:2. pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, #Zef. 1:18. ng silakbo ng aking paninibugho.
9Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.
10Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng #Deut. 4:27; 28:64. aking pinapangalat, ay magdadala ng handog #Awit 68:29; Mal. 1:11. sa akin.
11Sa araw na yao'y #Is. 54:4. hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at #Jer. 7:4; Mik. 3:11. hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.
12Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang #Zac. 11:7, 11. nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.
13Ang nalabi #Zef. 2:7. sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, #Apoc. 14:5. ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, #Is. 17:2. at walang takot sa kanila.
Ang muling pagkatayo at katatagan ng Israel.
14Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.
15Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
16Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, #Is. 35:3; Heb. 12:12. huwag manghina ang iyong mga kamay.
17Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.
18Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.
19Narito, #tal. 11. sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at #Mik. 4:6, 7. aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa.
20Sa panahong yao'y #Is. 2:7. aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, #Zef. 2:7. pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

Currently Selected:

ZEFANIAS 3: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in