ZACARIAS 1
1
Ang Panginoon ay muling nagsalita sa bayan.
1 #
Hag. 2:1, 10. Nang ikawalong buwan, #Hag. 1:1. nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni #Neh. 12:4, 16. Iddo, na propeta, na nagsasabi,
2Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang.
3Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. #Mal. 3:7. Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 #
Awit 78:8. Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, #2 Cron. 36:15, 16. na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon.
5Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?
6 #
Mat. 24:35. Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, #Panag. 2:17. Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, #Jer. 35:15; Ezek. 36:31. ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.
Ang mga kabayo na pangitain ni Zacarias.
7Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi,
8Aking nakita sa gabi, at, narito, ang #Jos. 5:13; Dan. 9:21; Apoc. 6:4. isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga #Zac. 6:2-7. kabayong mapula, alazan, at maputi.
9Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At #tal. 13, 14; Zac. 2:3; 4:1, 4, 5; 5:5, 10; 6:4. ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito.
10At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa.
11At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay.
12Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, #Hab. 2:6; Apoc. 6:10. hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, #Mal. 1:4. laban sa iyong mga kinagalitan #Jer. 25:11; Zac. 7:5. nitong pitong pung taon?
13At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, #Jer. 29:10. ng mga salitang pangaliw.
14Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: #Joel 2:18; Zac. 8:2. Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho.
15At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; #Is. 47:6. sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian.
16Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo #Ezra 6:14, 15; Zac. 4:9. roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at #Jer. 31:39; Ezek. 47:3. isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.
17Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at #Is. 51:3. aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at #Zac. 2:12. pipiliin pa ang Jerusalem.
18At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang #Dan. 8:3, 8, 21. apat na sungay.
19At aking sinabi sa #tal. 9. anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, #1 Hari 22:11. Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem.
20At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.
21Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na #Awit 75:4, 5. nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.
Currently Selected:
ZACARIAS 1: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982