APOCALIPSIS 4
4
1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at #Apoc. 1:10. ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, #Apoc. 1:1, 19. at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.
2Pagdaka'y napasa Espiritu #Apoc. 1:10. ako: at narito, #Awit 11:4. may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;
3At ang nakaupo ay katulad ng isang batong #Ex. 28:20; Ezek. 28:13. jaspe at isang #Ex. 28:17. sardio: #Ezek. 1:28; Apoc. 10:1. at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.
4At sa palibot ng luklukan ay #Apoc. 11:16. may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang #Apoc. 5:6, 14; 7:11; 19:4. dalawangpu't apat na matatanda, na #Apoc. 3:4. nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.
5At mula sa luklukan ay may lumalabas na #Apoc. 8:11; 11:19; 16:18. kidlat, at mga tinig at mga kulog. #Ezek. 1:13. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na #Apoc. 1:14. siyang pitong Espiritu ng Dios;
6At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang #Apoc. 15:2. dagat na bubog na katulad ng salamin; #Ezek. 1:5. at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.
7At #Ezek. 1:10; 10:14. ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.
8At ang apat na nilalang na buhay, na may #Is. 6:2. anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi,
#
Is. 6:3. Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, #Apoc. 1:4. na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.
9At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,
10Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi,
11 #
Apoc. 5:9, 12. Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't #Apoc. 10:6; 14:7. nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.
Currently Selected:
APOCALIPSIS 4: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982