YouVersion Logo
Search Icon

APOCALIPSIS 12

12
1At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at #A. ng A. 6:10. ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin;
2At #Is. 66:7-10; Mik. 4:10. siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.
3At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking #Awit 9:13; Is. 27:1; Apoc. 13:2, 4, 11; 16:13; 20:2. dragong mapula, na may pitong ulo at #Dan. 7:7. sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema.
4At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, #Dan. 8:10. at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, #Mat. 2:16. upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
5At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na #Apoc. 2:27. maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.
6At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning #tal. 14; Apoc. 11:3. isang libo dalawang daan at anim na pung araw.
7At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: #Dan. 10:13. si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa #tal. 3. dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
8At hindi sila nanganalo, #Luc. 10:18; 2 Ped. 2:4. ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
9At #Juan 12:31. inihagis ang malaking dragon, #Gen. 3:1, 4. ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at #Apoc. 2:9. Satanas, #Apoc. 20:3-8. ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
10At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi,
# Apoc. 11:15. Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid #Job 1:9; 2:4, 5. na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.
11At siya'y #Juan 16:33. kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa #tal. 17; Apoc. 1:2. salita ng kanilang patotoo, #Luc. 14:20. at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
12Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan.
# Apoc. 8:18. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.
13At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya #tal. 5. ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.
14At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang #Dan. 7:25; 12:7. isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
15At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos.
16At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
17At nagalit ang dragon sa babae, #Gen. 3:15. at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, #Apoc. 14:12. na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may #1 Juan 5:10; Apoc. 19:10. patotoo ni Jesus:

Currently Selected:

APOCALIPSIS 12: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in