YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 86

86
Dalangin ni David.
1Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't #Awit 40:17; 70:5. ako'y dukha at mapagkailangan.
2Ingatan mo ang aking kaluluwa; #Awit 50:5. sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 # Awit 56:1. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
# Awit 25:1. Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At #Ex. 34:6. sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 # Awit 55:1, 2. Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 # Awit 77:2. Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
8Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, #Ex. 15:11. Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 # Awit 22:31; Is. 66:18; Apoc. 15:4. Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
# Deut. 6:4; 32:39; Is. 37:16; 1 Cor. 8:4. Ikaw na magisa ang Dios.
11 # Awit 27:11. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; #Awit 26:3. lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong #Awit 58:13; 116:8. iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14Oh Dios, #Awit 54:3. ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 # Ex. 34:6. Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 # Awit 25:16. Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa #Awit 116:16. iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17Pagpakitaan mo ako ng tanda #Neh. 5:19; 13:31. sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Currently Selected:

MGA AWIT 86: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in