YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 78

78
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
1Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 # Awit 49:4; Mat. 13:15. Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong #Kaw. 1:6. sabi ng una:
3 # Awit 44:1. Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 # Deut. 4:9. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
# Ex. 12:26. Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5Sapagka't siya'y nagtatag ng #Awit 81:5. patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 # Awit 102:18. Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
# Deut. 21:18, 20; Jer. 5:23. May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya #Ex. 7–12. sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, #Blg. 13:22. sa parang ng Zoan.
13 # Ex. 14:21; 15:18. Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 # Ex. 13:21. Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 # Ex. 17:6; Blg. 20:8, 10, 11. Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
# Awit 95:8-10; Heb. 3:16. Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18At kanilang #Ex. 16:2, etc.; 1 Cor. 10:9. tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 # Ex. 17:6; Blg. 11:20. Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21Kaya't narinig ng Panginoon, #Blg. 11:1, 10. at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 # Ex. 16:4. At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng #Awit 105:40; Juan 6:31. trigo ng langit.
25Kumain ang tao ng #Awit 103:20. tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 # Blg. 11:31. Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 # Ex. 16:13. At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang #Blg. 11:4, 34. kanilang pita.
30Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At #Awit 22:29. pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32Sa lahat ng ito ay #Blg. 14:16, 17. nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 # Blg. 14:29, 35. Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa #Awit 39:5. walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 # Os. 5:15. Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35At kanilang naalaala na ang #Deut. 32:4. Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay #Awit 74:2; Ex. 15:13. kanilang manunubos.
36Nguni't tinutuya nila #Is. 29:13; Mat. 15:3. siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 # Ezek. 34:6; Blg. 14:20. Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 # Awit 103:14, 16. At naalaala niyang #Gen. 6:3; Juan 3:6. sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila #Ef. 4:30. siya sa ilang!
41At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 # tal. 12; Hanggang tal. 51; Awit 105:27-38. Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 # Ex. 7:17. At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 # Ex. 8:21-24. Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga #Ex. 8:2-14. palaka, na nagsigiba sa kanila.
46Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa #Ex. 10:12-15. balang.
47Sinira niya ang #Ex. 9:23-25. kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 # Ex. 9:23-25. Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 # Ex. 12:29. At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni #Awit 105:23. Cham:
52Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na #Awit 77:20. parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't #Ex. 14:27, 28; 15:10. tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang #Ex. 15:17; Is. 11:9. santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At #Jos. 23:4. binahagi sa kanila na pinakamana #Awit 105:11. sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang #Os. 7:16. parang magdarayang busog.
58Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga #Lev. 26:30; 1 Hari 11:7. mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 # 1 Sam. 4:11; Jer. 7:12-14. Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng #Jos. 18:1. Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61At ibinigay ang kaniyang #Awit 105:4. kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 # 1 Sam. 4:10. Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At #Jer. 7:34. ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 # 1 Sam. 4:11. Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At #Job 27:15. ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya #Is. 42:13. ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66At #1 Sam. 5:6, 12; 6:4. sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion #Awit 87:2. na kaniyang inibig.
69At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 # 1 Sam. 16:11, 13. Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 # 2 Sam. 5:2. Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa #1 Hari 9:4. pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.

Currently Selected:

MGA AWIT 78: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in