YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 15

15
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
1Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
# Awit 24:3, 4. Sinong tatahan sa iyong banal na #Awit 2:6. bundok?
2Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At #Zac. 8:16; Ef. 4:25. nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 # Lev. 19:16; Awit 34:13. Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
# Huk. 11:35. Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 # Ex. 22:25; Deut. 23:19. Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, #Ex. 23:8. Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.

Currently Selected:

MGA AWIT 15: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in