YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 145

145
Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. #Awit 100 titik. Awit na pagpuri; ni David.
1Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
2Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
3 # Awit 147:5. Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang #Job 5:9; Rom. 11:33. kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
4 # Is. 38:19. Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
5Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
6At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
7Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
8 # Ex. 34:6; Awit 86:5; 15. Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
9 # Awit 100:5. Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 # Awit 19:1. Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
# Awit 50:5. At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 # Awit 105:1. Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 # Awit 10:16. Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 # Awit 37:17, 24; 146:8. Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 # Awit 104:27. Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 # Awit 116:5. Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 # Deut. 4:7. Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya #Juan 4:23, 24. sa katotohanan.
19Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 # Awit 97:10. Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
# Awit 150:6. At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Currently Selected:

MGA AWIT 145: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in