YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 142

142
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. #1 Sam. 22:1; 24:1-5. Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
1Ako'y #Awit 77:1. dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 # Awit 102, titik; Is. 26:16. Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
# Awit 140:5. Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 # Awit 69:20. Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't #Awit 31:11. walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
# Awit 16:5; Panag. 3:24. Aking bahagi #Awit 27:13. sa lupain ng may buhay.
6Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't #Awit 116:6. ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 # Awit 143:11. Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
# Awit 13:6. Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Currently Selected:

MGA AWIT 142: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in