YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 126

126
Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa
1Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
# Gawa 12:9. Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 # Job 8:21. Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga #Luc. 1:49; Joel 2:20, 21. dakilang bagay.
3Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
4Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 # Jer. 31:9. Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Currently Selected:

MGA AWIT 126: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in