YouVersion Logo
Search Icon

MGA KAWIKAAN 24

24
Iba't ibang aral at paalaala.
1Huwag kang #Awit 37:1; 73:3. mananaghili sa mga masamang tao,
Ni magnasa ka man na masama sa kanila:
2Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati,
# Awit 10:7. At ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
3 # Kaw. 9:1. Sa karunungan ay natatayo ang bahay;
At sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
4At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid,
Ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
5 # Ec. 9:16. Ang pantas na tao ay malakas;
Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
6 # Kaw. 11:14; 20:18. Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka:
At sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
7Karunungan ay totoong mataas #Kaw. 14:6. sa ganang mangmang:
Hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
8 # Rom. 1:30. Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan,
Tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
9Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan:
At ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
10Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan,
Ang iyong kalakasan ay munti.
11 # Awit 82:4. Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan,
At ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik.
12Kung iyong sinasabi, Narito, hindi kami nakakaalam nito:
Hindi ba niya binubulay #Kaw. 21:2. na tumitimbang ng mga puso?
At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman?
# Job 34:11; Awit 62:12; Jer. 32:19; Rom. 2:6; Apoc. 22:12. At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
13Anak ko, #A. ng A. 5:1. kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti;
At ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
14 # Awit 19:10; 119:103. Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa:
Kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan,
At ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
15Huwag kang bumakay, #Awit 10:9, 10. Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid;
Huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
16 # Awit 37:24; 79:12; Job 5:19. Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli:
Nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
17Huwag kang magalak #Awit 35:15, 19; Kaw. 17:5. pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal,
At huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
18Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya,
At kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama;
Ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao;
# Job 21:17; Kaw. 13:9. Ang ilawan ng masama ay papatayin.
21Anak ko, #Rom. 13:7; 1 Ped. 2:17. matakot ka sa Panginoon at sa hari:
At huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla;
At sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
23Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas.
# Lev. 19:15; Deut. 1:17; 16:19; Kaw. 28:21; Mat. 22:16; Juan 7:24. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 # Kaw. 17:15; Is. 5:23. Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid;
Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran,
At ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26Siya'y humahalik sa mga labi
Niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
27 # 1 Hari 5:17, 18; Luc. 14:28. Ihanda mo ang iyong gawa sa labas,
At ihanda mo sa iyo sa parang;
At pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
28 # Kaw. 25:18; Ef. 4:5. Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan;
At huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
29Huwag mong sabihin, Gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin:
Aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
30 # Job 5:3. Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad,
At sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31At, #Gen. 2:18. narito, tinubuang lahat ng mga tinik,
Ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag,
# Is. 5:5. At ang bakod na bato ay nabagsak.
32Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti:
Aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
33 # Kaw. 6:10, 11; Ec. 4:5. Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
34Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw;
At ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.

Currently Selected:

MGA KAWIKAAN 24: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in