YouVersion Logo
Search Icon

MGA KAWIKAAN 15

15
Iba't ibang kawikaan. Pinagparisparis ang matuwid at masama.
1Ang #Huk. 8:1-3; Kaw. 25:15. malubay na sagot ay nakapapawi ng poot:
Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.
2Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan.
3 # Job 34:21; Kaw. 5:21; Jer. 16:17; 32:19; Heb. 4:13. Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako,
Na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
4 # Kaw. 3:18. Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay:
Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
5Hinahamak #Kaw. 10:1. ng mangmang ang saway ng kaniyang ama:
Nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.
6Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan:
Nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan.
7Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
8 # Kaw. 21:27; Is. 1:11; 66:3; Jer. 6:20; Amos 5:22. Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
9Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't iniibig niya #Kaw. 21:21; 1 Tim. 6:11. ang sumusunod sa katuwiran.
10May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad:
At #Kaw. 12:1. siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.
11 # Job 26:6; Kaw. 27:20. Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon:
Gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao!
12Ayaw #Amos 5:10. ang manglilibak na siya'y sawayin.
Siya'y hindi paroroon sa pantas.
13 # Kaw. 17:22. Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha:
Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
14Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.
15Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama:
# Kaw. 17:22. Nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan.
16 # Awit 37:16; Kaw. 16:8; Ec. 4:6; 1 Tim. 6:6. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon,
Kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan.
17 # Kaw. 17:1. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig,
Kay sa matabang baka at may pagtataniman.
18 # Kaw. 16:28. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo:
Nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
19Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag:
Nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan.
20Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama:
Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.
21Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait:
Nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad.
22Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala:
# Kaw. 11:14. Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.
23Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig:
At #Kaw. 25:11. ang salita #Awit 104:27. sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!
24Sa pantas ay paitaas #Fil. 3:20; Col. 3:1, 2. ang daan ng buhay,
Upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba.
25Bubunutin #Kaw. 12:7; 14:11. ng Panginoon ang bahay ng palalo:
Nguni't kaniyang itatatag ang hangganan #Awit 68:5; 146:9. ng babaing bao.
26Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay.
27Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan:
Nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.
28Ang puso ng matuwid ay #1 Ped. 3:15. nagbubulay ng isasagot:
Nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.
29Ang Panginoon ay malayo sa masama:
# Awit 10:1; 34:16; 145:18, 19; Juan 9:31. Nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
30 # Awit 38:10. Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso:
At ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto.
31Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay,
Ay tatahan sa gitna ng pantas.
32Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa:
Nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan.
33 # Kaw. 1:7. Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng #Kaw. 18:12. karunungan;
At sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.

Currently Selected:

MGA KAWIKAAN 15: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy