YouVersion Logo
Search Icon

MALAKIAS 1

1
Ang pagibig ng Panginoon sa Jacob.
1 # Nah. 1:1. Ang hula na salita ng Panginoon sa #Mal. 2:11. Israel sa pamamagitan ni Malakias.
2 # Deut. 7:8; Jer. 31:3. Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y #Rom. 9:13. inibig ko si Jacob;
3Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at #Jer. 49:10, 18; Ezek. 25:13, 14; 35:3, 4, 7. ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang.
4Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man.
5At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.
6Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, #Mal. 2:1. Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?
7Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na #Lev. 3:11. hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.
8At #Lev. 22:22; Deut. 15:21. pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa #Hag. 1:1. iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang #Zac. 7:2. lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; #Os. 13:9. ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
10Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog #Is. 1:11; Amos 5:21. sa inyong kamay.
11Sapagka't #Awit 113:3; Is. 46:6. mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, #Is. 2:2; 56:7; 60:3, 5; 66:19. magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; #Zef. 2:11; Juan 4:21, 23; Apoc. 8:3. at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: #Is. 66:20. sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay #tal. 7. nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.
13Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang #tal. 8. pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: #Lev. 22:20, etc. tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.
14Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang #Ex. 12:5; Lev. 1:3. lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon #Lev. 22:25. ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.

Currently Selected:

MALAKIAS 1: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for MALAKIAS 1