YouVersion Logo
Search Icon

LEVITICO 3

3
Ang batas ng handog na pangpayapa.
1At kung ang kanilang alay ay #Lev. 7:11, 29; 17:5; 22:21.haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon.
2At #Lev. 1:4, 5.kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa ibabaw ng dambana, sa palibot.
3At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinaka handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; #Lev. 4:8, 9; Ex. 29:13, 22.ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
4At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato.
5At #Lev. 6:12.susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
6At kung ang kaniyang alay sa Panginoon na pinakahaing mga handog tungkol sa kapayapaan ay kinuha sa kawan; maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan.
7Kung isang kordero ang kaniyang ihahandog na pinakaalay niya, ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:
8At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.
9At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang #Lev. 9:19; Ex. 29:22.buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob.
10At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.
11At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: #tal. 16; Lev. 21:6, 8, 17, 21, 22; 22:25; Ezek. 44:7; Mal. 1:7, 12.pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
12At kung kambing ang kaniyang alay ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:
13At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo niyaon, at papatayin yaon sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
14At ang ihahandog niya roon na kaniyang alay, na pinakahandog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob, lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
15At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.
16At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: #Lev. 7:23, 29; 1 Sam. 2:15.lahat ng taba ay sa Panginoon.
17Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain #Lev. 7:23, 25; 1 Sam. 2:15.ng taba #Lev. 7:26; 17:10, 14; Gen. 9:4; Deut. 12:16; 15:23; 1 Sam. 14:38; Ezek. 44:7, 15; Gawa 15:20, 29.ni dugo man.

Currently Selected:

LEVITICO 3: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in