YouVersion Logo
Search Icon

JOB 36

36
Minamarapat ni Eliu ang paggamit ng parusa ng Dios.
1Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,
2Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo;
Sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
3Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo,
At aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
4Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan:
Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
5Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man;
# Job 9:4. Siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
6Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama:
Nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
7Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid:
Kundi kasama ng mga hari sa luklukan
# 1 Sam. 2:8; Awit 113:8. Kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
8At #Awit 107:10. kung sila'y mapapangaw,
At mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
9Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa,
At ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
10 # Job 33:16. Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo,
At iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
11Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya,
Kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At ang kanilang mga taon sa kasayahan.
12Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak,
At sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
13Nguni't ang di banal sa #Rom. 2:5. puso ay nagbubunton ng galit:
Hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya #tal. 8. sila.
14 # Job 15:32. Sila'y nangamamatay sa kabataan,
At ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
15Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati,
At ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
16Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan,
Hanggang sa luwal na #Awit 18:19; 31:8; 118:5. dako na walang kagipitan;
At ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.
Ipinapayo ni Eliu kay Job na sumailalim ng Panginoon, at kilanlin ang kapangyarihan ng Panginoon.
17Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama:
Kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
18Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan;
Ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
19Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan,
O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
20Huwag mong nasain ang gabi,
Pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
21Ikaw ay magingat, #Awit 66:18. huwag mong lingunin ang kasamaan;
Sapagka't #Heb. 11:25. ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
22Narito, ang Dios ay gumagawa
ng mainam sa kaniyang kapangyarihan:
# Job 34:32; 35:10. Sinong tagapagturo ang gaya niya?
23 # Job 34:13. Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan?
O sinong makapagsasabi, Ikaw ay gumawa ng kalikuan?
24Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa,
Na inawit ng mga tao.
25Lahat ng mga tao'y nakakita noon;
Makikita ito ng tao sa malayo.
26Narito, ang Dios ay dakila, at hindi #1 Cor. 13:12. natin nakikilala siya;
# Awit 90:2; 102:24, 27; Heb. 1:12. Hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
27Sapagka't #Awit 147:8. pinailanglang niya ang mga patak ng tubig,
Na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
28 # Kaw. 3:20. Na ibinubuhos ng mga langit
At ipinapatak na sagana sa tao.
29Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap,
Ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
30 # Job 37:3. Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya;
At inaapawan ang kalaliman ng dagat.
31Sapagka't #Job 37:13. sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan;
# Awit 104:27. Siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
32Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat;
At ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
33Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya,
Ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.

Currently Selected:

JOB 36: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in