YouVersion Logo
Search Icon

JOB 28

28
Ang tao ay mainam kumita ng kayamanan sa sanglibutan.
1Tunay na may mina na mayroong pilak,
At dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
2Bakal ay hinuhukay sa lupa,
At tanso ay binububo mula sa bato.
3 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman,
At sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan
Ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
4Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao:
Nililimot ng paa na dumadaan; Nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay:
At sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
6Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro.
At ito'y may alabok na ginto.
7Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam.
Ni nakita man ng mata ng falkon:
8Hindi natungtungan ng mga palalong hayop,
Ni naraanan man ng mabangis na leon,
9Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian;
Binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
10Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato;
At ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
11Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos;
At ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Ang karunungan ay lalong mabuting kayamanan, na ang Dios lamang ang nakaaalam.
12 # Ec. 7:24. Nguni't saan masusumpungan ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon;
Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin:
At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15 # Kaw. 3:14; 8:11, 19. Hindi mabibili ng ginto,
Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16Hindi mahahalagahan ng #Awit 45:9; 1 Hari 9:28. ginto sa Ophir,
Ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon:
Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18Hindi mabibilang ang coral o ang cristal;
Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga #Kaw. 3:15; 8:11; 20:15; 31:10. rubi.
19Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon,
Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
20Saan nanggagaling nga ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
21Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay,
At natatago sa mga ibon sa himpapawid.
22Ang #Job 26:6; Kaw. 15:11. kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi,
Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
23Nauunawa ng #Hanggang tal. 28; Kaw. 8:22, 31. Dios ang daan niyaon,
At nalalaman niya ang dako niyaon.
24Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa,
At nakikita ang silong ng buong langit;
25 # Awit 135:7. Upang bigyan ng timbang ang hangin;
Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
26Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan,
At ng daan sa kidlat ng kulog:
27Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag;
Kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
28At sa tao ay sinabi niya,
Narito, #Deut. 4:6; Ec. 12:13. ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan;
At ang #Kaw. 3:7; 11:6. paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.

Currently Selected:

JOB 28: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in