JOB 11
11
Ang unang pagsasalita ni Sophar. Binibintangan niya si Job ng pagmamataas at kawalang kabanalan.
1Nang magkagayo'y sumagot si #Job 2:11. Sophar na Naamathita, at nagsabi,
2Hindi ba sasagutin ang #Kaw. 10:19. karamihan ng mga salita?
At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
3Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog.
At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
4Sapagka't #Job 10:7. iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay,
At ako'y malinis sa iyong mga mata.
5Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita,
At bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
6At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan,
Pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa.
Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
7 #
Awit 139:6-10. Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik?
Masusumpungan mo ba sa #Job 26:10; 28:3. kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
8Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa?
Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
9Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa.
At maluwang kay sa dagat.
10Kung siya'y dumaan #Lev. 13:4, etc. at magsara,
At tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
11Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang #Awit 26:4. tao:
Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
12Nguni't #Awit 73:22. ang walang kabuluhang tao ay walang unawa,
Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
Pinapaglilinis ni Sophar si Job sa mga kasalanan.
13Kung iyong ihahanda ang iyong puso,
At iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
14Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo,
At huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
15 #
Job 22:26. Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan;
Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
16Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan;
#
Is. 65:16. Iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
17At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat;
Bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
18At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa;
Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
19 #
Is. 17:2; Zef. 3:13. Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo;
Oo, maraming liligaw #Awit 45:12. sa iyo.
20Nguni't ang mga #Job 17:5; 31:16. mata ng masama ay mangangalumata,
At mawawalan sila ng daang tatakasan,
At ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.
Currently Selected:
JOB 11: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982