YouVersion Logo
Search Icon

JEREMIAS 45

45
Ang salita ni Jeremias kay Baruch.
1Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay #Jer. 32:12. Baruch na anak ni Nerias, #Jer. 36:4. nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias, #Jer. 36:1. nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda na nagsasabi:
2Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch:
3Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan.
4Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, #Is. 5:5; Jer. 1:10. na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain.
5At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? huwag mong hanapin; sapagka't, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao, sabi ng Panginoon; nguni't ang iyong buhay ay ibibigay ko #Jer. 21:9. sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan.

Currently Selected:

JEREMIAS 45: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in