YouVersion Logo
Search Icon

ISAIAS 46

46
Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.
1Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay #Is. 21:9; Jer. 50:2; 51:44. yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.
2Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag.
3Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at #Is. 6:13. lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, #Awit 22:10; 71:6. na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:
4At hanggang sa katandaan ay #Awit 102:27; Is. 52:6. ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.
5Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?
6Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, #Is. 40:19. at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; #Is. 44:15. sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.
7Pinapasan nila siya sa balikat, #Jer. 10:5. dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: #Awit 115:5; Is. 45:20. oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.
8Inyong alalahanin ito, at #1 Sam. 4:9; 1 Cor. 16:13. mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.
9Inyong alalahanin ang mga #Deut. 32:7. dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, #Is. 45:5. at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;
10 # Is. 41:26. Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, #Kaw. 19:21. Ang payo ko ay mananayo, #Is. 44:28. at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:
11Na tumatawag ng ibong mangdadagit #Is. 41:2, 25. mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, #Blg. 23:19. aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
12Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
13Aking inilalapit ang #Awit 85:9; Is. 51:5. aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay #Hab. 2:3. hindi magluluwat: at aking ilalagay ang #Is. 62:11. kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

Currently Selected:

ISAIAS 46: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in