YouVersion Logo
Search Icon

ISAIAS 12

12
Muling titipunin (karugtong).
1At sa araw na yaon ay #Is. 2:11. iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.
2Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: #Ex. 15:2; Awit 118:14; Is. 26:4. sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
3Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4At #Is. 2:11. sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, #Awit 145:4-16. ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.
5 # Awit 98:1. Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.
6Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel #Is. 5:24; 41:14, 16. sa gitna mo.

Currently Selected:

ISAIAS 12: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in