YouVersion Logo
Search Icon

EXODO 13

13
1At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 # tal. 12, 13, 15; Ex. 34:19; Lev. 27:26; Blg. 8:16, 17; 18:15; Deut. 15:19; Luc. 2:23. Pakabanalin mo sa akin ang lahat ng mga panganay, anomang nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: maging sa tao at maging sa hayop ay akin.
Ang tuntunin ng paskua ng tinapay na walang lebadura.
3At sinabi ni Moises sa bayan, #Ex. 12:42; Deut. 16:3.Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin; sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito, #Ex. 12:8.wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura.
4Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng #Ex. 9:31; 12:2.Abib.
5At mangyayari, na #Ex. 3:8.pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Hebreo, at ng Jebuseo, na kaniyang #Ex. 6:8.isinumpa sa iyong mga magulang, na ibibigay sa iyo, na lupang #Ex. 3:8.binubukalan ng gatas at pulot ay iyong #Ex. 12:25, 26.ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito.
6 # Ex. 12:15, 16. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon.
7Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw, at huwag makakakita sa iyo, ng tinapay na may lebadura, ni makakakita ng lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan.
8 # tal. 14; Ex. 12:25. At sasaysayin mo sa iyong anak sa araw na yaon, na iyong sasabihin: Dahil sa ginawa ng Panginoon sa akin nang ako'y umalis sa Egipto.
9At sa iyo'y magiging #Deut. 6:8; 11:18; Mat. 23:5. pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto.
10 # Ex. 12:14, 24. Isasagawa mo nga ang palatuntunang ito sa kapanahunan nito taon taon.
Ang pagtatalaga ng panganay.
11At mangyayari, pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, gaya ng isinumpa sa iyo at sa iyong mga magulang, at pagkabigay niyaon sa iyo,
12 # tal. 2; Ex. 34:19, 20. Ay ihihiwalay mo para sa Panginoon yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata, at bawa't panganay na mayroon ka na mula sa hayop; ang mga lalake, ay sa Panginoon.
13At bawa't panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero;#13:13 o kambing na lalaki. at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: #Blg. 33:6.at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin.
14 # Ex. 12:26. At mangyayari, na pagtatanong sa iyo ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin, Ano ito? na iyong sasabihin sa kaniya: Sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
15At nangyari, nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon, ay pinatay ng #Ex. 12:29. Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop: kaya't aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake; nguni't lahat ng panganay ng aking anak ay aking #tal. 13.tinutubos.
16At magiging pinakatanda sa iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata: sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto.
17At nangyari, nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon, na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo, bagaman malapit; sapagka't sinabi ng Dios, #Ex. 14:11, 12; Blg. 14:1, 4.Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka, at magsipagbalik sa Egipto:
18Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa #Ex. 14:2.palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula: at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto.
19At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose: sapagka't kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel, na sinasabi, #Gen. 50:25; Jos. 24:32; Gawa 7:16.Tunay na dadalawin kayo ng Dios; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo.
20 # Blg. 33:6. At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang.
21 # Ex. 14:19, 24; 40:38; Blg. 9:15; 10:34; 14:14; Deut. 1:33; Neh. 9:12, 19; Awit 78:14; 99:7; 105:39; Is. 4:5; 1 Cor. 10:1. At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.
22Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan.

Currently Selected:

EXODO 13: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in