YouVersion Logo
Search Icon

EFESO 5

5
1Kayo #Mat. 5:45, 48. nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;
2At magsilakad kayo sa pagibig, #Juan 13:34. gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na #Heb. 7:27. hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3Nguni't ang #Col. 3:5. pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;
4O #Col. 3:8. ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.
5Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, #Col. 3:5. na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, #Heb. 12:14. ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
6Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't #Col. 3:6. dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios #Ef. 2:2. sa mga anak ng pagsuway.
7Huwag kayong makibahagi sa kanila;
8Sapagka't noong panahon #Ef. 2:11, 12. kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon #Juan 8:12. kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga #Luc. 16:8. anak ng kaliwanagan
9(Sapagka't #Gal. 5:22. ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10Na inyong pinatutunayan #Rom. 12:2. ang kinalulugdan ng Panginoon;
11At huwag kayong makibahagi sa #Rom. 6:21; 13:12. mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12Sapagka't ang mga bagay na #Rom. 1:26. ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
13Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
14Kaya sinasabi niya, #Rom. 13:11. Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15Mangagingat #Col. 4:5. nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
17Kaya huwag kayong maging mga mangmang, #Rom. 12:2. kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18At #Rom. 13:13. huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
19Na kayo'y mangagusapan #Col. 3:16. ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
20Na kayo'y laging magpasalamat #Col. 3:17; 1 Tes. 1:2; 2 Tes. 1:3. sa lahat ng mga bagay #Heb. 13:15; 1 Ped. 2:5; 4:11. sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa #Col. 1:12. Dios na ating Ama;
21Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.
22Mga babae, #Col. 3:18–4:1. pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na #Ef. 6:5. gaya ng sa Panginoon.
23Sapagka't ang lalake #1 Cor. 11:3. ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas #Ef. 1:22, 23. ng katawan.
24Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
25Mga lalake, #Col. 3:19; 1 Ped. 3:7. ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at #tal. 2. ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
26Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis #Tit. 3:5; 1 Ped. 3:21. sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig #Mat. 28:19. na may salita,
27Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na #Col. 1:22. maluwalhati, na #A. ng A. 4:7. walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; #Ef. 1:4. kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
28Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:
29Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
30Sapagka't #1 Cor. 6:15; 12:27. tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
31Dahil dito'y #Gen. 2:24. iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.
32Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
33 # Col. 3:19. Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay #1 Cor. 9:25. gumalang sa kaniyang asawa.

Currently Selected:

EFESO 5: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in