EFESO 2
2
1At kayo'y binuhay niya, #Col. 2:13. nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
2Na inyong nilakaran #tal. 3, 13. noong una ayon sa #Ef. 1:4. lakad ng sanglibutang ito, ayon #Juan 12:31; Ef. 6:12. sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa #Ef. 5:6; Col. 3:6. mga anak ng pagsuway;
3Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa #Gal. 5:16. mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at #Awit 51:5. tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—
4Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5Bagama't #Rom. 5:6, 8, 10. tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, #Rom. 6:4, 5. tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
6At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya #Ef. 1:3. sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
7Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
8Sapagka't sa biyaya #tal. 5; Rom. 8:24. kayo'y nangaligtas #Rom. 4:16. sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, #Juan 6:44, 65. ito'y kaloob ng Dios;
9Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, #Rom. 11:6. upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
10Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, #Ef. 1:4. na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
11Kaya nga #Ef. 5:8. alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na #Col. 2:11. Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
12Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa #Rom. 9:4. mga tipan ng pangako, na #1 Tes. 4:13. walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
13Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo #Gawa 2:39. ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14Sapagka't siya ang ating kapayapaan, #Juan 10:16. na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15Na inalis #Col. 1:21, 22. ang pagkakaalit #Col. 2:14. sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang #Gal. 6:15. taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
16At #Col. 1:20, 21, 22. upang papagkasunduin silang dalawa sa #Ef. 4:4. isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, #Rom. 6:6; 8:3; Col. 2:15. na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
17At siya'y naparito #Is. 57:19. at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
18Sapagka't #Juan 14:6, 13. sa pamamagitan niya #Ef. 3:12. tayo'y may pagpasok sa #1 Cor. 12:13. isang Espiritu rin sa Ama.
19Kaya nga hindi na kayo mga #tal. 12. taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga #Heb. 12:22, 23. kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,
20 #
Col. 2:7. Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga #Apoc. 21:14. apostol at ng mga #Ef. 3:5. propeta, na si Cristo Jesus din #Awit 118:22. ang pangulong bato sa panulok;
21Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging #1 Cor. 3:16. isang templong banal sa Panginoon;
22Na sa kaniya'y itinayo naman #1 Ped. 2:5. kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
Currently Selected:
EFESO 2: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982