YouVersion Logo
Search Icon

DANIEL 4

4
Si Nabucodonosor ay nanaginip ng isang kahoy.
1Si Nabucodonosor na hari, #Dan. 3:4; 6:25. sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan sa buong lupa: #1 Ped. 1:2; 2 Ped. 1:2. Kapayapaa'y managana sa inyo.
2Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan #Dan. 3:26. na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios.
3Kay dakila ang kaniyang mga tanda! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang #Dan. 2:44. kaharian, at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali't saling lahi.
4Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay, at gumiginhawa sa aking palasio.
5Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; #Dan. 2:28. at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin.
6 # Dan. 3:29. Kaya't nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat #tal. 18; Dan. 2:12. na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip.
7Nang magkagayo'y nagsidating ang mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila; nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon.
8Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si Daniel, #Dan. 1:7. na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, #tal. 9, 18; Dan. 2:11. at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya, na aking sinasabi,
9Oh Beltsasar, na #Dan. 2:48. pangulo ng mga mahiko, sapagka't talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo, at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon.
10Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy #tal. 20, 26; Ezek. 31:3. sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa.
11Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa.
12Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; #Ezek. 17:23; 31:6. ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon.
13May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito, #tal. 17, 23; Awit 103:20. isang bantay at isang #tal. 23; Deut. 33:2, 3; Dan. 8:13; Zac. 14:5; Jud. 14. banal ay bumaba mula sa langit.
14Siya'y sumigaw ng malakas, at nagsabi ng ganito, #tal. 23; Mat. 3:10. Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan, lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan, at ang mga ibon sa mga sanga niyan.
15Gayon ma'y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa, na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa:
16Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya; at #tal. 23, 25, 32; Dan. 7:25; 11:13. mangyaring makapito sa kaniya.
17Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng #tal. 13. mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; #Awit 9:16. upang makilala ng mga may buhay #Dan. 2:21; 5:21. na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.
18Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito: at ikaw, Oh Beltsasar, ipahayag ang kahulugan, #Dan. 5:8, 15. sapagka't lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan; nguni't maipaaaninaw mo; sapagka't ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo.
Ipinaliwanag ni Daniel ang panaginip.
19Nang magkagayo'y si Daniel na ang pangala'y Beltsasar, natigilang sangdali, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip. Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Beltsasar, huwag kang bagabagin ng panaginip, o ng kahulugan. Si Beltsasar ay sumagot, at nagsabi, Panginoon ko, #1 Sam. 25:26; 2 Sam. 18:32. ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot sa iyo, at ang kahulugan niyao'y mangyari nawa sa iyong mga kaaway,
20Ang punong kahoy na iyong nakita #tal. 10, 11. na tumutubo, at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit, at ang tanaw niyao'y sa buong lupa;
21Na ang mga daho'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang, at ang kaniyang mga sanga'y dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid:
22Ay ikaw, Oh hari, na lumalaki at nagiging malakas; sapagka't ang iyong kadakilaan ay lumaki, at umaabot hanggang sa langit, #Jer. 27:6-8. at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa.
23At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;
24Ito ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari:
25Na ikaw ay #tal. 32; Dan. 5:21. mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay #Awit 106:20. pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.
26At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo, pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno.
27Kaya't, Oh hari, tanggapin mo ang aking payo, at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.
Ang panaginip ng hari ay natupad.
28Lahat ng ito'y sumapit sa haring Nabucodonosor.
29Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia.
30Ang hari ay nagsalita, #Dan. 5:20. at nagsabi, Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka #Amos 7:17. tahanang hari, sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan?
31Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling sa langit, na nagsasabi, Oh haring Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo.
32At ikaw ay palalayasin #tal. 23. sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.
33 # tal. 19. Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya'y pinalayas sa mga tao, at kumain ng damo na gaya ng mga baka, at ang #Dan. 5:21. kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon.
34At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko #Dan. 12:7; Apoc. 4:10. siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka't ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali't saling lahi;
35At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; #Is. 14:27. at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, #Job 9:12; Rom. 9:20. Anong ginagawa mo?
36Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin.
37Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay #tal. 34; Dan. 5:4. pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; #Deut. 32:4; Awit 33:4; Apoc. 15:3. sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at #Dan. 5:20. yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.

Currently Selected:

DANIEL 4: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in