YouVersion Logo
Search Icon

ANG MGA GAWA 11

11
1Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga #tal. 12, 29. kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios.
2At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, #Gawa 10:45; Gal. 2:12. ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli,
3Na nagsisipagsabi, #Gawa 10:28. Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila.
4Datapuwa't si Pedro ay nagpasimula, at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi,
5Ako'y nananalangin sa bayan ng #Gawa 10:9-13. Joppe: at sa kawalan ng diwa'y nakakita ako ng isang pangitain, na may isang sisidlang bumababa, na gaya ng isang malapad na kumot, na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok; at dumating hanggang sa akin:
6At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit.
7At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
8Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal.
9Nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
10At ito'y nangyaring makaitlo: at muling binatak ang lahat sa langit.
11At narito, pagdaka'y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan, ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea.
12At iniutos sa akin ng Espiritu na ako'y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin #Gawa 10:23, 45. itong anim na kapatid; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon:
13At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay, at nagsasabi, Magsugo ka sa Joppe, at ipagsama mo si Simon, na may pamagat na Pedro;
14Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita, na ikaliligtas mo, ikaw #Gawa 10:2; 16:15, 31-34. at ng buong sangbahayan mo.
15At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya #Gawa 2:4. naman ng pagbaba sa atin nang una.
16At #Luc. 24:8. naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na #Gawa 1:5. si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo.
17 # Gawa 15:8, 9. Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?
18At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, #Gawa 10:45. Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil #2 Cor. 7:10. ng pagsisisi sa ikabubuhay.
19 # Gawa 8:1, 4. Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa #Gawa 15:3; 21:2. Fenicia, at sa #Gawa 4:36. Chipre, at sa #tal. 26. Antioquia, na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang.
20Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at #Mat. 37:32. taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga #Gawa 6:1; 9:29. Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus.
21At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya #Gawa 9:35; 15:19. ay nangagbalik-loob sa Panginoon.
22At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si #Gawa 4:36; 9:27. Bernabe hanggang sa Antioquia:
23Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; #Gawa 13:43. at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:
24Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.
25At siya'y naparoon sa #Gawa 9:11. Tarso upang hanapin si Saulo;
26At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa #tal. 22. Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga #Gawa 26:28; 1 Ped. 4:16. Cristiano, sa Antioquia.
27Nang mga araw ngang ito ay may #Gawa 13:1; 15:32; 1 Cor. 12:28; 14:29, 32; Ef. 4:11. lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem.
28At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang #Gawa 21:10. Agabo, at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan: na nangyari nang mga kaarawan ni #Gawa 18:2. Claudio.
29At ang mga alagad, ayon sa kaya ng bawa't isa, ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga #tal. 1; Gawa 14:23; 15:2, 22; 16:4; 20:17. kapatid na nangananahan sa Judea:
30Na siya nga nilang ginawa, na ipinadala nila #1 Tim. 5:1, 17, 19; Tit. 1:5; Sant. 5:14; 1 Ped. 5:1, 5; 2 Juan 1; 3 Juan 1. sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo.

Currently Selected:

ANG MGA GAWA 11: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in