YouVersion Logo
Search Icon

II MGA TAGA TESALONICA 1

1
1Si #1 Tes. 1:1. Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3Kami ay nararapat, mga kapatid, na #1 Tes. 1:2, 3. mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
4Ano pa't #1 Tes. 2:19. kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa #1 Cor. 11:16. mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya #1 Tes. 2:14. sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
5 Na isang tandang hayag #Fil. 1:28. ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:
6Kung isang bagay na #Apoc. 6:10. matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,
7At kayong mga pinighati ay #Apoc. 6:11. bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag #1 Tes. 4:18. ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 # Heb. 10:27; 12:29; 2 Ped. 3:7; Apoc. 21:8. Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
9Na siyang #2 Ped. 3:7. tatangap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula #Is. 2:10, 19, 21; 1 Tes. 2:8. sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.
10Pagka paririto siya #Awit 89:7. upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga #1 Cor. 3:13. sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
11Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at #1 Tes. 1:3. gawa ng pananampalataya;
12Upang ang pangalan #1 Ped. 1:7; 4:14. ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in