YouVersion Logo
Search Icon

I TIMOTEO 2

2
1Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na #Ef. 6:18. manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2Ang mga hari at #Rom. 13:1. ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
3Ito'y #1 Tim. 5:4. mabuti at nakalulugod sa paningin #Luc. 1:47. ng Dios na ating Tagapagligtas;
4Na siyang #Juan 3:16, 17; 1 Tim. 4:10. may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at #2 Tim. 3:7. mangakaalam ng katotohanan.
5Sapagka't may isang Dios at #Rom. 3:30. may #Gal. 3:19, 20; Heb. 8:6; 9:15; 12:24. isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
6Na ibinigay #Mat. 20:28; Ef. 1:7; Col. 1:14; Tit. 2:14. ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag #Rom. 5:6; Ef. 1:10. sa sariling kapanahunan;
7Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at #1 Cor. 9:1. apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), #Gawa 9:15; 13:2. guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
8Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin #Mal. 1:11; Juan 4:21. sa bawa't dako, na iunat ang mga #Awit 24:4. kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.
9Gayon din naman, na #1 Ped. 3:3; Tit. 2:3. ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
10Kundi #1 Ped. 3:4. (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
12Nguni't hindi ko ipinahihintulot na #1 Cor. 14:24. ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
13Sapagka't si Adam ay siyang unang #Gen. 1:27. nilalang, saka si Eva;
14At si Adam ay hindi nadaya, kundi #2 Cor. 11:3. ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
15Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.

Currently Selected:

I TIMOTEO 2: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy