I MGA TAGA TESALONICA 4
4
1Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, #Fil. 4:9; Col. 2:6. na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, #1 Tes. 3:12. na gaya ng inyong paglakad,—upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.
2Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
3Sapagka't ito #Rom. 12:2; Ef. 5:17. ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong #tal. 4, 7; Rom. 6:19, 22. pagpapakabanal, #1 Cor. 6:18; Ef. 5:3. na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;
4Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa #1 Ped. 3:7. kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,
5Hindi sa pita #Col. 3:5. ng kahalayan, na #Ef. 4:17, 18. gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;
6Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya #1 Cor. 15:51. sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.
7Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi #Jud. 9. sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.
8Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, #1 Juan 3:24. na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.
9Datapuwa't tungkol sa #Heb. 13:1. pagiibigang kapatid ay #1 Tes. 5:1. hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na #Juan 13:34. mangagibigan kayo sa isa't isa;
10Sapagka't katotohanang #1 Tes. 1:7. ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.
11At pagaralan ninyong maging #2 Tes. 3:12. matahimik, at #2 Tes. 3:11; 1 Ped. 4:15. gawin ang inyong sariling gawain, at #Ef. 4:28; 1 Tes. 2:9. kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;
12Upang kayo'y magsilakad ng nararapat #Mar. 4:11. sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.
13Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, #Ef. 2:12. na walang pagasa.
14Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon #1 Cor. 15:18; 1 Tes. 3:13. din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.
15Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na #2 Cor. 7:11. tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16Sapagka't #Mat. 16:27. ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng #1 Cor. 15:52. arkanghel, at may #1 Tes. 2:3. pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay #1 Cor. 15:23. unang mangabubuhay na maguli;
17Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila #Gawa 1:9; Apoc. 11:12. sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y #Juan 12:26. sasa Panginoon tayo magpakailan man.
18Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.
Currently Selected:
I MGA TAGA TESALONICA 4: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982