YouVersion Logo
Search Icon

I PEDRO 5

5
1Sa #Gawa 11:30. matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, #2 Juan 1; 3 Juan 1.akong matandang kasamahan ninyo, at isang #Luc. 24:48. saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag:
2Pangalagaan ninyo ang kawan #Juan 21:16. ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni #1 Tim. 3:3, 8; Tit. 1:7. hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
3Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y #Mat. 20:25. may pagkapanginoon sa #Deut. 9:29. pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan.
4At #Heb. 13:20. pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo #1 Ped. 1:4. ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.
5Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa #Gawa 11:30. matatanda. Oo, kayong #Rom. 12:10. lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y #Is. 4:2. maglingkuran: sapagka't ang #Kaw. 3:34. Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
6Kaya't kayo'y mangagpakababa #Mat. 23:12; Sant. 4:10. sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;
7Na inyong ilagak sa kaniya #Awit 37:5. ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
8Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban #Ef. 6:11. na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, #Gawa 14:22. yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
10At ang Dios ng buong biyaya #1 Cor. 1:9. na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas #Heb. 13:21. sa inyo.
11Sumasakaniya nawa #1 Ped. 4:11. ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12Sa pamamagitan ni #Gawa 15:34. Silvano, na tapat nating #2 Cor. 11:5. kapatid, ayon sa aking palagay sa kaniya, ay sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na #Gawa 13:43. biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito.
13Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni #Gawa 12:12. Marcos na aking anak.
14Mangagbatian kayo #Rom. 16:16. ng halik ng pagibig. #Ef. 6:3. Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.

Currently Selected:

I PEDRO 5: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy