YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 116

116
1Minamahal ko ang Panginoon, sapagkat kanyang dininig
ang aking tinig at aking mga hiling.
2Sapagkat ikiniling niya ang kanyang pandinig sa akin,
kaya't ako'y tatawag sa kanya habang ako'y nabubuhay.
3Ang bitag ng kamatayan ay pumalibot sa akin,
ang mga hapdi ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
ako'y nagdanas ng pagkabahala at pagkadalamhati.
4Nang magkagayo'y sa pangalan ng Panginoon ay tumawag ako:
“O Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang buhay ko!”
5Mapagbiyaya at matuwid ang Panginoon,
oo, ang Diyos namin ay maawain.
6Iniingatan ng Panginoon ang mga taong karaniwan;
ako'y naibaba at iniligtas niya ako.
7Bumalik ka sa iyong kapahingahan, O kaluluwa ko;
sapagkat pinakitunguhan ka na may kasaganaan ng Panginoon.
8Sapagkat iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan,
ang mga mata ko sa mga luha,
ang mga paa ko sa pagkatisod;
9Ako'y lalakad sa harapan ng Panginoon
sa lupain ng mga buháy.
10Ako'y#2 Cor. 4:13 naniwala nang aking sinabi,
“Lubhang nahihirapan ako;”
11sinabi ko sa aking pangingilabot,
“Lahat ng tao ay sinungaling.”
12Ano ang aking isusukli sa Panginoon
sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13Aking itataas ang saro ng kaligtasan,
at tatawag sa pangalan ng Panginoon,
14tutuparin ko ang aking mga panata sa Panginoon,
sa harapan ng lahat ng kanyang bayan.
15Mahalaga sa paningin ng Panginoon
ang kamatayan ng kanyang mga banal.
16O Panginoon, ako'y iyong lingkod;
ako'y iyong lingkod, anak ng iyong lingkod na babae;
iyong kinalag ang aking mga gapos.
17Ako'y mag-aalay sa iyo ng handog ng pasasalamat,
at tatawag sa pangalan ng Panginoon.
18Tutuparin ko ang aking mga panata sa Panginoon,
sa harapan ng lahat ng kanyang bayan;
19sa mga bulwagan ng bahay ng Panginoon,
sa gitna mo, O Jerusalem.
Purihin ang Panginoon!

Currently Selected:

MGA AWIT 116: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in