MGA BILANG 33
33
Ang Talaan ng Paglalakbay ng Israel
1Ito ang mga paglalakbay#33:1 o yugto. ng mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Ehipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng pamumuno nina Moises at Aaron.
2Isinulat ni Moises kung saan sila nagsimula, yugtu-yugto, alinsunod sa utos ng Panginoon, at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga lugar na pinagsimulan.
3Sila'y naglakbay mula sa Rameses nang ikalabinlimang araw ng unang buwan. Kinabukasan, pagkatapos ng paskuwa ay buong tapang na umalis ang mga anak ni Israel sa paningin ng lahat ng mga Ehipcio,
4samantalang inililibing ng mga Ehipcio ang lahat ng kanilang panganay na nilipol ng Panginoon sa gitna nila, pati ang kanilang mga diyos ay hinatulan ng Panginoon.
5Ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at nagkampo sa Sucot.
6Sila'y naglakbay mula sa Sucot at nagkampo sa Etam na nasa gilid ng ilang.
7Sila'y naglakbay mula sa Etam, at lumiko sa Pihahirot, na nasa silangan ng Baal-zefon at nagkampo sa tapat ng Migdol.
8Sila'y naglakbay mula sa Pihahirot, at nagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang; sila'y naglakbay ng tatlong araw sa ilang ng Etam at nagkampo sa Mara.
9Sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim at sa Elim ay may labindalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma; at sila'y nagkampo roon.
10Sila'y naglakbay mula sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat na Pula.#33:10 o Dagat ng mga Tambo.
11Sila'y naglakbay mula sa Dagat na Pula at nagkampo sa ilang ng Zin.
12Sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin at nagkampo sa Dofca.
13Sila'y naglakbay mula sa Dofca at nagkampo sa Alus.
14Sila'y naglakbay mula sa Alus at nagkampo sa Refidim na doon ay walang tubig na mainom ang mga taong-bayan.
15Sila'y naglakbay mula sa Refidim at nagkampo sa ilang ng Sinai.
16Sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai at nagkampo sa Kibrot-hataava.
17Sila'y naglakbay mula sa Kibrot-hataava at nagkampo sa Haserot.
18Sila'y naglakbay mula sa Haserot at nagkampo sa Ritma.
19Sila'y naglakbay mula sa Ritma at nagkampo sa Rimon-peres.
20Sila'y naglakbay mula sa Rimon-peres at nagkampo sa Libna.
21Sila'y naglakbay mula sa Libna at nagkampo sa Risa.
22Sila'y naglakbay mula sa Risa at nagkampo sa Ceelata.
23Sila'y naglakbay mula sa Ceelata at nagkampo sa bundok ng Sefer.
24Sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sefer at nagkampo sa Harada.
25Sila'y naglakbay mula sa Harada at nagkampo sa Macelot.
26Sila'y naglakbay mula sa Macelot at nagkampo sa Tahat.
27Sila'y naglakbay mula sa Tahat at nagkampo sa Terah.
28Sila'y naglakbay mula sa Terah at nagkampo sa Mitca.
29Sila'y naglakbay mula sa Mitca at nagkampo sa Hasmona.
30Sila'y naglakbay mula sa Hasmona at nagkampo sa Moserot.
31Sila'y naglakbay mula sa Moserot at nagkampo sa Ben-yaakan.
32Sila'y naglakbay mula sa Ben-yaakan at nagkampo sa Horhagidgad.
33Sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at nagkampo sa Jotbata.
34Sila'y naglakbay mula sa Jotbata at nagkampo sa Abrona.
35Sila'y naglakbay mula sa Abrona at nagkampo sa Ezion-geber.
36Sila'y naglakbay mula sa Ezion-geber at nagkampo sa ilang ng Zin (na siya ring Kadesh).
37At sila'y naglakbay mula sa Kadesh at nagkampo sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
Ang Pagkamatay ni Aaron
38Ang#Bil. 20:22-28; Deut. 10:6; 32:50 paring si Aaron ay umakyat sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon nang unang araw ng ikalimang buwan, sa ikaapatnapung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Ehipto.
39Si Aaron ay isandaan at dalawampu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
40Nabalitaan#Bil. 21:1 ng Cananeo na hari sa Arad, na naninirahan sa Negeb sa lupain ng Canaan, ang pagdating ng mga anak ni Israel.
41Sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor at nagkampo sa Salmona.
42Sila'y naglakbay mula sa Salmona at nagkampo sa Funon.
43Sila'y naglakbay mula sa Funon at nagkampo sa Obot.
44Sila'y naglakbay mula sa Obot at nagkampo sa Ije-abarim, sa hangganan ng Moab.
45Sila'y naglakbay mula sa Ije-abarim at nagkampo sa Dibon-gad.
46Sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad at nagkampo sa Almon-diblataim.
47Sila'y naglakbay mula sa Almon-diblataim at nagkampo sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48Sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim at nagkampo sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa Jerico.
49Sila'y nagkampo sa tabi ng Jordan, mula sa Bet-jesimot hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.
50At nagsalita ang Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa Jerico, na sinasabi,
51“Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52inyong palalayasin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong hinugisan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang hinulma, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang matataas na dako.
53Angkinin ninyo ang lupain at manirahan kayo roon, sapagkat sa inyo ko ibinigay ang lupain upang angkinin.
54Inyong#Bil. 26:54-56 mamanahin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa inyong mga angkan; sa malaki ay magbibigay kayo ng malaking mana, at sa maliit ay magbibigay kayo ng maliit na mana. Kung kanino matapat ang palabunutan sa bawat tao, ay iyon ang magiging kanya; ayon sa mga lipi ng inyong mga ninuno ay inyong mamanahin.
55Ngunit kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan sa lupain sa harap ninyo ay magiging parang mga puwing sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang guguluhin kayo sa lupaing pinaninirahan ninyo.
56At mangyayari na gagawin ko sa inyo ang inisip kong gawin sa kanila.’”
Currently Selected:
MGA BILANG 33: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001