YouVersion Logo
Search Icon

MIKAS 4

4
Ang Paghahari ng Kapayapaan ng Panginoon
(Isa. 2:2-4)
1At nangyari sa mga huling araw,
ang bundok ng bahay ng Panginoon
ay itatatag bilang pinakamataas sa mga bundok,
at itataas sa mga burol;
at ang mga tao'y magpupuntahan doon,
2at maraming bansa ang darating at magsasabi,
“Halikayo, tayo'y umahon patungo sa bundok ng Panginoon,
at sa bahay ng Diyos ni Jacob;
upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan,
at tayo'y makalakad sa kanyang mga landas.”
Sapagkat mula sa Zion ay lalabas ang kautusan,
at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem.
3Siya'y#Isa. 2:4; Joel 3:10 hahatol sa gitna ng maraming bayan,
at magpapasiya para sa malalakas na bansa sa malayo;
at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod,
at ang kanilang mga sibat upang maging karit;
ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa,
ni magsasanay para sa pakikidigma.
4Kundi#Zac. 3:10 bawat isa'y uupo sa ilalim ng kanyang punong ubas at sa ilalim ng kanyang punong igos;
at walang tatakot sa kanila;
sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5Sapagkat ang lahat ng bayan ay lalakad
bawat isa sa pangalan ng kanya-kanyang diyos,
ngunit tayo'y lalakad sa pangalan ng Panginoon nating Diyos
magpakailanpaman.
Ang Israel ay Babalik mula sa Pagkabihag
6Sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
titipunin ko ang pilay,
at titipunin ko ang mga itinapon,
at ang aking mga pinahirapan.
7Ang pilay ay gagawin kong nalabi,
at ang mga itinapon ay isang malakas na bansa;
at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Zion
mula ngayon hanggang sa walang hanggan.
8At ikaw, O tore ng kawan,
na burol ng anak na babae ng Zion,
ito sa iyo'y darating,
ang dating kapangyarihan ay darating,
ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
9Ngayo'y bakit ka sumisigaw nang malakas?
Wala ka bang hari?
Ang iyo bang tagapayo ay namatay,
upang ang mga paghihirap ay sumaiyo na gaya ng babaing manganganak?
10Mamilipit ka at dumaing, O anak na babae ng Zion,
na gaya ng babaing manganganak;
sapagkat ngayo'y lalabas ka sa lunsod,
at maninirahan sa parang,
at ikaw ay pupunta sa Babilonia.
Ililigtas ka roon,
doo'y tutubusin ka ng Panginoon
sa kamay ng iyong mga kaaway.
11At ngayo'y maraming bansa
ang magtitipon laban sa iyo,
na nagsasabi, “Hayaan siyang malapastangan,
ituon natin ang ating mata sa Zion.”
12Ngunit hindi nila alam ang mga pag-iisip ng Panginoon,
hindi nila nauunawaan ang kanyang panukala,
sapagkat kanyang tinipon sila na parang mga bigkis sa giikan.
13Bumangon ka at gumiik,
O anak na babae ng Zion;
sapagkat aking gagawing bakal ang iyong sungay,
at tanso ang iyong mga kuko;
at iyong dudurugin ang maraming bayan,
upang iyong italaga sa Panginoon ang kanilang pakinabang,
at ang kanilang kayamanan ay sa Panginoon ng buong lupa.

Currently Selected:

MIKAS 4: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in