YouVersion Logo
Search Icon

JOSUE 19

19
Ang Ipinamana kay Simeon
1Ang ikalawang lupain ay napabigay kay Simeon, sa lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan, at ang kanilang pamana ay nasa gitna ng pamana sa lipi ni Juda.
2At#1 Cro. 4:28-33 tinanggap nilang pamana ang Beer-seba, Seba, Molada;
3Hazar-shual, Bala, at Ezem;
4Eltolad, Betul, Horma;
5Siclag, Bet-marcabot, Hazar-susa,
6Bet-lebaot, Saruhen: labintatlong lunsod at ang mga nayon nito;
7Ain, Rimon, Eter, at Asan, apat na lunsod at mga nayon nito;
8at ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga lunsod na ito hanggang sa Baalat-beer, Rama ng Negeb. Ito ang pamana sa lipi ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.
9Ang pamana sa lipi ni Simeon ay bahagi ng nasasakupan ng anak ni Juda; sapagkat ang bahagi ng lipi ni Juda ay napakalaki para sa kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng pamana sa loob ng kanilang pamana.
Ang Ipinamana kay Zebulon
10At ang ikatlong lupain ay napabigay sa mga anak ni Zebulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang nasasakupan ng kanilang pamana ay hanggang sa Sarid;
11at ang kanilang hangganan ay paakyat sa kanluran sa Merala, at abot hanggang sa Dabeset at sa batis na nasa silangan ng Jokneam.
12Mula sa Sarid, ito ay pabalik sa silangan sa dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Cisilot-tabor, at palabas sa Daberat, at paakyat sa Jafia;
13mula roon ito ay patuloy sa silangan sa Gat-hefer, sa Itkazin; at palabas sa Rimon hanggang sa Nea.
14Sa hilaga, ang hangganan ay paliko patungo sa Hanaton; at ang dulo nito ay sa libis ng Iftael;
15at sa Kata, Nahalal, Simron, Idala, Bethlehem: labindalawang lunsod at ang mga nayon nito.
16Ito ang pamana sa mga anak ni Zebulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon nito.
Ang Ipinamana kay Isacar
17Ang ikaapat na lupain ay napabigay kay Isacar, sa mga anak ni Isacar ayon sa kanilang mga angkan.
18At ang kanilang nasasakupan ay ang sa Jezreel, Cesulot, Sunem,
19Hafaraim, Zion, Anaharat,
20Rabit, Kishion, Ebez,
21Remet, En-ganim, En-hada, Bet-pazez,
22at ang hangganan ay hanggang sa Tabor, Sahazuma, at Bet-shemes; at ang mga dulo ng hangganan ng mga iyon ay sa Jordan: labing-anim na lunsod at ang mga nayon nito.
23Ito ang pamana sa lipi ng mga anak ni Isacar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at mga nayon nito.
Ang Ipinamana kay Aser
24At ang ikalimang lupain ay napabigay sa lipi ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.
25At ang kanilang nasasakupan ay Helcat, Hali, Beten, Acsaf,
26Alamelec, Amad, Mishal; hanggang sa Carmel sa kanluran at sa Sihorlibnath;
27at paliko sa sinisikatan ng araw sa Bet-dagon, hanggang sa Zebulon, at sa libis ng Iftael sa hilaga sa Bet-emec at Nehiel; at papalabas sa Cabul sa kaliwa;
28Hebron, Rehob, Hamon, Cana, hanggang sa malaking Sidon.
29Ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang dulo nito ay sa dagat mula sa lupain ni Aczib;
30gayundin ang Uma, Afec, at Rehob: dalawampu't dalawang lunsod at ang mga nayon nito.
31Ito ang pamana sa lipi ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at mga nayon nito.
Ang Ipinamana kay Neftali
32Ang ikaanim na lupain ay napabigay sa mga anak ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan.
33At ang hangganan nito ay mula sa Helef, mula sa ensina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum, at ang dulo niyon ay sa Jordan.
34Ang hangganan ay paliko sa kanluran sa Aznot-tabor, at papalabas sa Hucuca mula roon; at hanggang sa Zebulon sa timog, at hanggang sa Aser sa kanluran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.
35Ang mga lunsod na may pader ay Siddim, Ser, Hamat, Racat, Cineret,
36Adama, Rama, Hazor,
37Kedes, Edrei, En-hazor,
38Iron, Migdal-el, Horem, Bet-anat, at Bet-shemes: labinsiyam na lunsod at ang mga nayon nito.
39Ito ang pamana sa lipi ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon nito.
Ang Ipinamana kay Dan
40Ang ikapitong lupain ay napabigay sa lipi ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
41At ang nasasakupan ng kanilang pamana ay Sora, Estaol, Ir-semes,
42Saalabin, Ailon, Jet-la,
43Elon, Timna, Ekron,
44Elteke, Gibeton, Baalat,
45Jehud, Bene-berac, Gat-rimon,
46Me-jarcon, Raccon at ang hangganan sa tapat ng Joppa.
47Nang#Huk. 18:27-29 ang nasasakupan ng mga anak ni Dan ay nawala sa kanila, ang mga anak ni Dan ay umahon at lumaban sa Lesem, at pagkatapos sakupin at patayin ng talim ng tabak, ay inangkin nila ito at nanirahan doon at tinawag ito ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama.
48Ito ang pamana sa lipi ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod na ito at ang mga nayon nito.
Ang Mana ng mga Anak ni Josue ay ang Timnat-sera
49Nang kanilang matapos ang pamamahagi ng lupain bilang pamana ayon sa mga hangganan niyon, ay binigyan ng mga anak ni Israel ng pamana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila.
50Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kanya ang lunsod na kanyang hiningi, ang Timnat-sera sa lupaing maburol ng Efraim; at kanyang muling itinayo ang lunsod at nanirahan doon.
51Ito ang mga pamana na ipinamahagi ng paring si Eleazar at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pinuno ng mga sambahayan ng mga ninuno ng mga lipi ng mga anak ni Israel bilang pamana, sa pamamagitan ng palabunutan sa Shilo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng toldang tipanan. Gayon nila tinapos ang paghahati-hati sa lupain.

Currently Selected:

JOSUE 19: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in