JOB 18
18
Inilarawan ni Bildad ang Wakas ng Masama
1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at sinabi,
2“Hanggang kailan ka maghahagilap ng mga salita?
Inyong isaalang-alang, pagkatapos kami ay magsasalita.
3Bakit kami ibinibilang na parang mga hayop?
Bakit kami hangal sa iyong paningin?
4Ikaw na sumisira sa iyong sarili sa iyong galit,
pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo?
O aalisin ba ang bato mula sa kinaroroonan nito?
5“Oo,#Job 21:17 ang ilaw ng masama ay pinapatay,
at ang liyab ng kanyang apoy ay hindi nagliliwanag.
6Ang ilaw ay madilim sa kanyang tolda,
at ang kanyang ilawan sa itaas niya ay pinatay.
7Ang kanyang malalakas na hakbang ay pinaigsi,
at ang kanyang sariling pakana ang nagpabagsak sa kanya.
8Sapagkat siya'y inihagis sa lambat ng kanyang sariling mga paa,
at siya'y lumalakad sa silo.
9Isang bitag ang humuli sa kanyang mga sakong,
isang silo ang humuli sa kanya.
10Ang lubid ay ikinubli para sa kanya sa lupa,
isang patibong na para sa kanya sa daan.
11Mga nakakatakot ang tumakot sa kanya sa bawat panig,
at hinahabol siya sa kanyang mga sakong.
12Nanlalata sa gutom ang kanyang kalakasan,
at handa para sa kanyang pagbagsak ang kapahamakan!
13Dahil sa karamdaman ay nauubos ang kanyang balat,
lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kanyang mga sangkap.
14Siya'y niluray sa tolda na kanyang pinagtitiwalaan,
at siya'y dinala sa hari ng mga kilabot.
15Sa kanyang tolda ay nakatira ang di niya kaanu-ano,
ang asupre ay ikinalat sa kanyang tahanan.
16Ang kanyang mga ugat sa ilalim ay natutuyo,
at sa ibabaw ay nalalanta ang kanyang sanga.
17Ang kanyang alaala ay naglalaho sa lupa,
at siya'y walang pangalan sa lansangan.
18Siya'y itatapon mula sa liwanag tungo sa kadiliman,
at itataboy sa labas ng sanlibutan.
19Siya'y walang anak, ni apo man sa kanyang bayan,
at walang nalabi sa dati niyang tinitirhan.
20Silang mula sa kanluran ay mangingilabot sa kanyang araw,
at ang lagim ay babalot sa mga nasa silangan.
21Tunay na ganyan ang tahanan ng mga makasalanan,
sa mga hindi nakakakilala sa Diyos ay ganyan ang kalagayan.”
Currently Selected:
JOB 18: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001