YouVersion Logo
Search Icon

ISAIAS 12

12
Awit ng Pasasalamat
1At sa araw na iyon ay iyong sasabihin,
“Ako'y magpapasalamat sa iyo, O Panginoon,
bagaman ikaw ay nagalit sa akin,
ang iyong galit ay napawi,
at iyong inaaliw ako.
2“Ang#Exo. 15:2; Awit 118:14 Diyos ay aking kaligtasan;
ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot
sapagkat ang Panginoong Diyos ay aking kalakasan at awit;
at siya'y naging aking kaligtasan.”
3Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4At sa araw na iyon ay inyong sasabihin,
“Magpasalamat kayo sa Panginoon,
kayo'y tumawag sa kanyang pangalan,
ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa,
ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal.
5“Umawit kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y gumawang may kaluwalhatian,
ipaalam ito sa buong lupa.
6Sumigaw ka at umawit nang malakas, ikaw na naninirahan sa Zion,
sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa gitna mo.”

Currently Selected:

ISAIAS 12: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in