YouVersion Logo
Search Icon

HOSEAS 6

6
1“Halikayo at tayo'y manumbalik sa Panginoon;
sapagkat siya ang lumapa, ngunit pagagalingin niya tayo;
sinugatan niya tayo ngunit tayo'y kanyang bebendahan.
2Pagkatapos ng dalawang araw ay muli niya tayong bubuhayin;
sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo,
upang tayo'y mabuhay sa harap niya.
3At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon;
ang kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway;
at siya'y paparito sa atin na parang ulan,
tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa.”
Ang Tugon ng Panginoon
4Anong gagawin ko sa iyo, O Efraim?
Anong gagawin ko sa iyo, O Juda?
Ang inyong katapatan ay parang ulap sa umaga,
at parang hamog na maagang umaalis.
5Kaya't sila'y aking pinutol sa pamamagitan ng mga propeta;
pinatay ko sila ng mga salita ng aking bibig;
at ang aking mga kahatulan ay lumalabas na parang liwanag.
6Sapagkat#Mt. 9:13; 12:7 nalulugod ako sa katapatan, kaysa alay,
ng pagkakilala sa Diyos kaysa mga handog na sinusunog.
7Ngunit gaya ni Adan ay sumuway sila sa tipan;
doo'y nagsigawa silang may kataksilan sa akin.
8Ang Gilead ay lunsod ng mga gumagawa ng kasamaan;
tigmak ng dugo.
9Kung paanong ang mga tulisan ay nag-aabang sa isang tao,
gayon nagsasama-sama ang mga pari;
sila'y pumapatay sa daan patungong Shekem.
Sila'y gumagawa ng kasamaan.
10Sa sambahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay;
ang pagiging bayarang babae#6:10 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. ng Efraim ay naroroon, ang Israel ay dinudungisan ang sarili.
11Sa iyo rin, O Juda, ay may nakatakdang pag-aani,
kapag ibabalik ko na ang mga kayamanan sa aking bayan.

Currently Selected:

HOSEAS 6: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in