HOSEAS 1
1
1Ang#2 Ha. 15:1-7; 2 Cro. 26:1-23; 2 Ha. 15:32-38; 2 Cro. 27:1-8; 2 Ha. 16:1-20; 2 Cro. 28:1-27; 2 Ha. 18:1–20:21; 2 Cro. 29:1–32:33; 2 Ha. 14:23-29 salita ng Panginoon na dumating kay Hoseas na anak ni Beeri, sa mga araw nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias, mga hari ng Juda, at sa kapanahunan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari ng Israel.
Ang Taksil na Asawa ni Hoseas
2Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Hoseas, sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Humayo ka, mag-asawa ka ng isang bayarang babae#1:2 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. at magkaroon ka ng mga anak sa bayarang babae, sapagkat ang lupain ay gumagawa ng malaking kahalayan dahil sa pagtalikod nila sa Panginoon.”
3Kaya't humayo siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim. At siya'y naglihi at nanganak sa kanya ng isang lalaki.
4Sinabi#2 Ha. 10:11 ng Panginoon sa kanya, “Tawagin mo ang kanyang pangalan na Jezreel, sapagkat ilang sandali na lang at aking parurusahan ang sambahayan ni Jehu dahil sa dugo ni Jezreel, at aking tatapusin ang kaharian ng sambahayan ni Israel.
5Sa araw na iyon, aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.”
6Siya'y muling naglihi, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kanya, “Tawagin mo ang kanyang pangalan na Lo-ruhama;#1:6 o Ang di kinahabagan. sapagkat hindi na ako mahahabag sa sambahayan ni Israel, ni patatawarin pa sila.
7Ngunit ako'y maaawa sa sambahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Diyos. Hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng digmaan, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.”
8Nang maihiwalay niya sa pagsuso si Lo-ruhama, siya'y naglihi at nanganak ng isang lalaki.
9At sinabi ng Panginoon, “Tawagin mo ang kanyang pangalan na Lo-ammi;#1:9 o Di ko bayan. sapagkat kayo'y hindi ko bayan, at ako'y hindi ninyo Diyos.”
Ibabalik ang Israel
10Gayunma'y#Ro. 9:26 ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi masusukat, o mabibilang man; at sa dakong sinabi sa kanila, “Kayo'y hindi aking bayan,” ay sasabihin sa kanila, “Kayo'y mga anak ng Diyos na buháy.”
11Ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay magkakasama-sama at sila'y maghahalal sa kanilang sarili ng isang pinuno, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagkat magiging dakila ang araw ng Jezreel.
Currently Selected:
HOSEAS 1: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001