YouVersion Logo
Search Icon

EZRA 4

4
Pagsalungat sa Muling Pagtatayo ng Templo
1Nang mabalitaan ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga bumalik na bihag ay nagtatayo ng templo para sa Panginoong Diyos ng Israel,
2lumapit#2 Ha. 17:24-41 sila kay Zerubabel at sa mga puno ng mga sambahayan at sinabi sa kanila, “Isama ninyo kami sa inyong pagtatayo, sapagkat sinasamba namin ang inyong Diyos na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay naghahandog sa kanya mula ng mga araw ni Esarhadon na hari ng Asiria na siyang nagdala sa amin dito.”
3Ngunit sinabi sa kanila nina Zerubabel, Jeshua, at ng iba pa sa mga puno ng mga sambahayan ng Israel, “Kayo'y walang pakialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay para sa aming Diyos; kundi kami lamang ang magtatayo para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari ng Persia.”
4Nang magkagayo'y pinanlupaypay ng mga tao ng lupain ang taong-bayan ng Juda, at tinakot silang magtayo.
5Umupa sila ng mga tagapayo laban sa kanila upang biguin ang kanilang layunin, sa lahat ng mga araw ni Ciro na hari ng Persia, maging hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia.
Pagsalungat sa Muling Pagtatayo ng Jerusalem
6Sa#Est. 1:1 paghahari ni Artaxerxes, sumulat sila ng isang bintang laban sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem.
7At sa mga araw ni Artaxerxes, sumulat sina Bislam, Mitridates, Tabeel at ang iba pa sa kanilang mga kasama kay Artaxerxes na hari ng Persia. Ang liham ay nakasulat sa Aramaico at isinalin.#4:7 Sa Hebreo ay isinalin sa Aramaico, nagpapahiwatig na ang 4:8–6:18 ay isinulat sa Aramaico.
8Si Rehum na punong-kawal at si Simsai na eskriba ay sumulat ng ganito kay Artaxerxes na hari laban sa Jerusalem.
9Nang magkagayo'y sumulat sina Rehum na punong-kawal, si Simsai na eskriba, at ang iba pa nilang mga kasamahan, ang mga hukom, mga tagapamahala, mga pinuno, mga taga-Persia, mga lalaki ng Erec, mga taga-Babilonia, mga lalaki ng Susa, na ito'y mga Elamita,
10at ang iba pang mga bansa na ipinatapon ng dakila at marangal na si Osnapar, at pinatira sa mga lunsod ng Samaria at sa iba pang lalawigan sa kabila ng Ilog,—at ngayon
11ito ang sipi ng sulat na kanilang ipinadala, “Sa Haring Artaxerxes: Ang iyong mga lingkod, ang mga lalaki sa lalawigan sa kabila ng Ilog ay bumabati. At ngayon,
12dapat malaman ng hari na ang mga Judio na umahong galing sa iyo patungo sa amin ay nagpunta sa Jerusalem. Kanilang muling itinatayo ang mapaghimagsik at masamang lunsod na iyon, tinatapos nila ang mga pader, at kinukumpuni ang mga pundasyon.
13Dapat malaman ngayon ng hari na kapag ang lunsod na ito ay muling naitayo at ang mga pader ay natapos, sila'y hindi magbabayad ng buwis, buwis sa kalakal, o upa, at ang kikitain ng kaharian ay hihina.
14Ngayon, sapagkat kami ay nakikibahagi ng asin ng palasyo, at hindi marapat sa amin na makita ang ikasisirang-puri ng hari, kaya't kami ay nagsugo at ipinaaalam sa hari,
15upang maisagawa ang isang pagsusuri sa aklat ng mga talaan ng iyong mga magulang. Matatagpuan mo sa aklat ng mga talaan at malalaman na ang lunsod na ito ay isang mapaghimagsik na lunsod, nakakasira sa mga hari at mga lalawigan, at nagkaroon ng pag-aalsa roon noong unang panahon. Iyon ang dahilan kung bakit ang lunsod na ito ay giniba.
16Ipinaaalam namin sa hari, na kapag ang lunsod na ito ay muling naitayo, at ang mga pader ay natapos, hindi ka na magkakaroon pa ng pag-aari sa lalawigan sa kabila ng Ilog.”
17Nagpadala ng sagot ang hari: “Kay Rehum na punong-kawal, at kay Simsai na eskriba, at sa iba pa nilang mga kasamahan na nakatira sa Samaria at sa iba pang lalawigan sa kabila ng Ilog, pagbati. At ngayon,
18ang sulat na inyong ipinadala sa amin ay maliwanag na binasa sa harapan ko.
19Ako'y gumawa ng utos, at ang pagsaliksik ay naisagawa at natagpuan na ang lunsod na ito nang una ay nag-alsa laban sa mga hari, at ang paghihimagsik at panggugulo ay nagawa roon.
20Ang mga makapangyarihang hari ay namahala sa Jerusalem, na naghari sa buong lalawigan sa kabila ng Ilog, at sa kanila ay ibinayad ang buwis, buwis sa kalakal, at upa.
21Kaya't gumawa kayo ng utos upang patigilin ang mga taong ito, at upang ang lunsod na ito ay hindi muling maitayo, hanggang sa ang isang utos ay magawa ko.
22Kayo'y mag-ingat na huwag magpabaya sa bagay na ito; bakit kailangang lumaki ang pinsala na ikasisira ng hari?”
23Nang mabasa ang sipi ng sulat ni Haring Artaxerxes sa harapan nina Rehum, ni Simsai na eskriba, at ng kanilang mga kasamahan, sila'y dali-daling pumunta sa mga Judio sa Jerusalem at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan.
24Nang#Hag. 1:1; Zac. 1:1 magkagayo'y natigil ang paggawa sa bahay ng Diyos na nasa Jerusalem; at ito ay napatigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario na hari ng Persia.

Currently Selected:

EZRA 4: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in