EZRA 1
1
Ang Utos ni Ciro tungkol sa Pagbabalik ng mga Judio
1Nang#Jer. 25:11; 29:10 unang taon ni Ciro na hari ng Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang espiritu ni Ciro na hari ng Persia, kaya't siya'y gumawa ng pahayag sa kanyang buong kaharian, at isinulat din ito:
2Ganito#Isa. 44:28 ang sabi ni Ciro na hari ng Persia, “Ibinigay sa akin ng Panginoon, na Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian sa lupa, at inatasan niya ako na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem na nasa Juda.
3Sinuman sa inyo ang kabilang sa kanyang buong bayan, nawa'y sumakanya ang kanyang Diyos, at pumunta siya sa Jerusalem na nasa Juda, at muling itayo ang bahay ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, siya ang Diyos na nasa Jerusalem.
4At sinumang naiwan, saanmang lugar siya nakikipamayan, ay tulungan siya ng mga lalaki sa kanyang kinaroroonan sa pamamagitan ng pilak at ginto, ng mga kagamitan, at ng mga hayop, bukod sa mga kusang-loob na handog para sa bahay ng Diyos na nasa Jerusalem.”
5Nang magkagayo'y tumindig ang mga puno ng mga sambahayan ng Juda at Benjamin, at ang mga pari at mga Levita, bawat isa na ang diwa'y kinilos ng Diyos upang pumunta at muling itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
6Lahat ng nasa palibot nila ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng mga kagamitang pilak at ginto, mga ari-arian, mga hayop, at ng mga mamahaling gamit, bukod pa sa lahat ng kusang-loob na inihandog.
7Inilabas din ni Haring Ciro ang mga kagamitan sa bahay ng Panginoon na tinangay ni Nebukadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa bahay ng kanyang mga diyos.
8Ang mga ito ay inilabas ni Ciro na hari ng Persia sa pamamagitan ni Mitridates na ingat-yaman, na siyang bumilang nito kay Shesbazar, na pinuno ng Juda.
9Ito ang bilang ng mga iyon: tatlumpung palangganang ginto, isang libong palangganang pilak, dalawampu't siyam na suuban ng insenso,
10tatlumpung mangkok na ginto, apatnaraan at sampung iba pang mangkok na pilak, at isang libong iba pang mga kagamitan;
11lahat ng kagamitang ginto at pilak ay limang libo at apatnaraan. Ang lahat ng mga ito ay ipinakuha ni Shesbazar, nang ang mga bihag ay dalhin mula sa Babilonia patungo sa Jerusalem.
Currently Selected:
EZRA 1: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001