YouVersion Logo
Search Icon

II MGA CRONICA 1

1
Nanalangin si Haring Solomon para sa Karunungan
(1 Ha. 3:1-15)
1Pinatatag ni Solomon na anak ni David ang sarili sa kanyang kaharian, at ang Panginoon niyang Diyos ay kasama niya at ginawa siyang lubhang dakila.
2Nagsalita si Solomon sa buong Israel, sa mga punong-kawal ng libu-libo at ng daan-daan, sa mga hukom, at sa lahat ng mga pinuno sa buong Israel, na mga puno ng mga sambahayan.
3Si Solomon at ang buong kapulungan na kasama niya ay pumunta sa mataas na dako na nasa Gibeon, sapagkat ang toldang tipanan ng Diyos na ginawa ni Moises na lingkod ng Panginoon sa ilang ay naroon.
4Ngunit#2 Sam. 6:1-17; 1 Cro. 13:5-14; 15:25–16:1 ang kaban ng Diyos ay dinala ni David mula sa Kiryat-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David para dito sapagkat ito ay kanyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem.
5Bukod#Exo. 38:1-7 dito, ang dambanang tanso na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri, na anak ni Hur ay naroon sa harapan ng tabernakulo ng Panginoon. Doon ay sumangguni sa Panginoon si Solomon at ang kapulungan.
6Si Solomon ay umakyat sa dambanang tanso sa harapan ng Panginoon na nasa toldang tipanan at nag-alay doon ng isang libong handog na sinusunog.
7Nang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Solomon at sinabi sa kanya, “Hingin mo ang dapat kong ibigay sa iyo.”
8Sinabi ni Solomon sa Diyos, “Ikaw ay nagpakita ng malaki at tapat na pag-ibig kay David na aking ama, at ginawa mo akong hari na kapalit niya.
9O#Gen. 13:16; 28:14 Panginoong Diyos, matupad nawa ngayon ang iyong pangako kay David na aking ama, sapagkat ginawa mo akong hari sa isang bayan na kasindami ng alabok sa lupa.
10Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman upang ako'y makalabas-masok sa harapan ng bayang ito; sapagkat sinong makakapamahala dito sa iyong bayang napakalaki?”
11Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Sapagkat ito ay nasa iyong puso, at hindi ka humingi ng ari-arian, kayamanan, karangalan o ng buhay man ng mga napopoot sa iyo, at hindi ka man lamang humingi ng mahabang buhay, kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman para sa iyong sarili, upang iyong mapamahalaan ang aking bayan na dito ay ginawa kitang hari,
12ang karunungan at kaalaman ay ipinagkakaloob sa iyo. Bibigyan din kita ng kayamanan, ari-arian, at karangalan, na walang haring nauna o kasunod mo ang magkakaroon nang gayon.”
Ang Kapangyarihan at Kayamanan ni Haring Solomon
(1 Ha. 10:26-29)
13Sa gayo'y umalis si Solomon mula sa mataas na dako na nasa Gibeon, mula sa harapan ng toldang tipanan patungo sa Jerusalem. At siya'y naghari sa Israel.
14Nagtipon#1 Ha. 4:26 si Solomon ng mga karwahe at mga mangangabayo; siya'y may isang libo at apatnaraang karwahe, labindalawang libong mangangabayo, na kanyang inilagay sa bayan ng mga karwahe, at kasama ng hari sa Jerusalem.
15Ginawa ng hari ang pilak at ginto na karaniwan sa Jerusalem na gaya ng bato, at ginawa niya ang mga sedro na kasindami ng mga sikomoro ng Shefela.
16Ang#Deut. 17:16 mga kabayo ni Solomon ay inangkat mula sa Ehipto at Kue, at tinanggap ito ng mga mangangalakal ng hari mula sa Kue sa halagang umiiral.
17Sila ay umangkat mula sa Ehipto ng isang karwahe sa halagang animnaraang siklong pilak, at ang isang kabayo sa halagang isandaan at limampu. Gayundin, sa pamamagitan nila, ang mga ito ay ipinagbili sa lahat ng mga hari ng mga Heteo, at sa mga hari ng Siria.

Currently Selected:

II MGA CRONICA 1: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in